The End

by Sankage Steno

I love beginnings. But I love endings more. At yung sinasabing katapusan ng mundo ngayong araw ay talagang inexpect ko. Hindi naman sa talagang naniwala ako no, pero umasa akong may kakaibang mangyayari, at kung totoo ngang ngayon dapat matatapos ang lahat, ang inisip kong pagtatapos e yung sobrang fantastic ang dating.

Well, may ilang oras pa namang natitira sa Pilipinas para mangyari iyon. Not that I’m wishing for everything to end. Gusto ko lang makakita o makaranas ng kakaiba at maganda ngayong araw. At kung hindi iyon mangyayari ngayon, ipipilit ko. Ako ang gagawa ng paraan para magkatotoo ang aking fantastic day.

Fantastic 4

May mga nakalinyang gawain ako para sa araw na ito na sana e mapasaya hindi lang ako kundi pati na rin yung mga tao sa paligid ko. Iisa-isahin ko rito yung mga gagawin ko pero hindi ko idedetalye lahat, kasi yung iba e sikretong malupit!

Una, mamimigay ako ng regalo sa office. Sobrang nahirapan akong mag-isip ng ibibigay sa mga kaibigan ko rito kaya naman, kahapon, habang paikut-ikot sa mall e bigla akong nagka-spark of genius! Dahil sa nahihirapan akong mamili ng ireregalo, magpapa-raffle na lang ako!

Para walang sisihan, yung mga ka-office ko ang mamimili ng kanilang regalo. Swertihan na lang sa makukuha nila. May mga binili akong siguradong ikatutuwa at ikaiinis nila.

Pangalawa, makikipagtagpo ako sa mga ka-org ko nung college mamayang gabi sa isang sikat na Ayala Mall. Ayan, ayaw ko talagang banggitin. Baka kasi maudlot o matiktikan, mahirap na. Medyo matagal na rin nung huli ko silang nakita nang personal, kaya naman medyo excited ako para mamaya.

Wish ko lang na hindi ako matrapik nang bongs later. Terible pa naman ang trapik ‘pag gabi, lalo na ngayong magpapasko. Susme!

Pangatlo, yung sorpresa namin sa isang kaibigan e ngayon ang deadline, kaya naman ipupush ko na ‘to hanggang mamayang gabi. Medyo marami-rami pa ang hindi nakakamtan para sa sorpresang iyon kaya kailangang magpursigi lalo ngayong araw.

Hindi ko alam kung marami pang hahabol para maisakatuparan ang plano naming ito, pero sana magustuhan nung taong paghahandugan namin.

Pang-apat, wala pa talaga. Nag-iisip pa ako kung ano yung pang-apat na pasabog ko para sa araw na ito. Sana for myself naman. Sana about sa love life. Love life? Asa pa ako. Well, nabigay ko na kasi sa sarili ko yung gift ko for Christmas, at meron na rin naman akong natanggap from other people. So hindi na ako masyadong nag-eexpect.

Pero parang gusto ko pa. Sugapa lang? Ano kayang maganda pang gawin sa End-of-the-World Day na ito? Hindi pwedeng matapos ang araw na ito nang ganun-ganun lang. Bigyan mo nga ako ng suggestion. Thank you.