Ninong

by Sankage Steno

Sa pangatlong pagkakataon e naging ninong na naman ako sa binyag. Hindi ko alam pero kahit alam kong dagdag gastos sya sa hinaharap kapag sasapit ang Pasko, natutuwa ako kapag kinukuha akong ninong ng mga kaibigan ko. Although wag nyo lang ipapaalaga sa akin yung bata dahil ‘pag umiyak ‘yan, ayoko na. Solian na sa magulang.

Magkano na ba ang pinakamababang aginaldo ngayon sa inaanak? Hindi ko kasi nakilala yung mga ninong at ninang ko talaga. Ang nagbibigay sa akin ng aginaldo nung bata pa ‘ko e yung mga kamag-anak ko rin. Yung kasing mga nakuhang ninong at ninang ng mga magulang ko e dati nilang katrabaho.

Nung lumipat sila ng lugar, nagkalimutan na rin sa inaanak. Kaya marami nang utang sa akin kung sino man yung mga ninong at ninang ko. Maniningil ako balang araw. Tandaan nyo ‘yan! Magbabayad kayo! Papatay lang?

Biro lang ‘yun, syempre. Ngayon kasi, ako na ang nagbibigay ng regalo at aginaldo kahit pa hindi ko inaanak. Sa mga inaanak ko, laging dalawa ang bigay ko kapag Pasko, gift at money. Kapag yung iba naman, either gift or pera na lang. Pero ngayong Pasko, feeling ko mas magiging galante ako, kaya yung iba, dodoblehin ko na rin. Gift at pera for all!

Yaman ko no? Samantalang P50 lang naman yata yung ibibigay kong pera, tapos yung gift e laruan na worth P50 lang din. OK na rin kung bata ang makakakuha. Choosy pa ba? Mahirap ang buhay, alam mo ‘yan. Kailangang dumiskarte rin kahit sa pagbibigay ng regalo. Saka mas mahalaga yung effort na binigay, pati yung thought.

Kaya lang hindi pa naiintindihan ng mga bata yun. Di bale, paglaki nila, gets na nila yun.

Kaya sa mga ninong at ninang dyan, please lang, wag nyo namang pagtaguan ang inyong mga inaanak. Kung wala talaga kayong maibibigay ngayong Pasko, ano ba naman yung yakapin nyo sila at sabihing, “You are the most amazing godson/daughter I’ve ever had in my entire life! Thank you for your understanding.”

Peste! San nanggaling yun?

https://i0.wp.com/rlv.zcache.com/the_ninong_postcard-p239793987943080381envli_400.jpg