Bawal Magpaputok

by Sankage Steno

‘Wag na nating pahabain pa yung listahan. Every year naman nagbibigay ng listahan ng mga bawal na paputok pero marami pa ring nakakalusot. Pero for the sake of public safety, narito ang link para sa mga bawal paputukin sa panahon ng Bagong Taon: LINK

At kung hindi ka pa rin nadadala hanggang ngayon, ayos lang ‘yan. Balang araw e mapuputukan ka rin at mawawalan ng daliri o mata. Kung hindi man ikaw, sigurado akong isa sa mga mahal mo sa buhay ang mamalasin. Kaya sige, humayo ka at magpaputok hanggang sa ikaliligaya mo.

(Commercial Break) Watch this: LINK

Meron din akong sariling listahan ng mga bawal na paputok na hindi naisama ng Philippine National Police o ng Department of Health. Basahing mabuti at tandaan kung ayaw ninyong mapahamak o mapahiya sa panahon natin ngayon.

Mga Bawal

  • Magpaputok ng baril na nakakabuhay – Gusto mo bang maging magulang na agad o gusto mo bang madagdagan ang anak mo? O ang mas matindi, gusto mo bang ang birthday ng anak mo e October? Please lang, ang dami na nilang binabati ko kapag October. Ibahin mo naman ang date ng pagpapaputok.
  • Magpaputok mula sa sulok ng katawan – Piso lang po ang tawas. Nasa P60 lang yata ang deodorant na magagamit mo naman sa isang buwan, so lumalabas na P2 lang kada araw. Hindi ka pa makabili? Saka alam mo, hindi lang kili-kili ang umaamoy kapag pinawisan. Minsan yung damit na nabahiran ang mas umaamoy, kaya iwasang magpapawis sa mga suluk-sulok ng katawan.
  • Magpaputok gamit ang bibig o bunganga – Una, mabaho. Pangalawa, maingay. Ano bang problema mo? Hindi mo ba naaamoy ang sarili mong bibig e kay lapit na nga sa ilong mo? Hindi mo rin ba naririnig ang lumalabas sa bunganga mo e isang dangkal lang naman ang layo nyan sa tenga mo? Pwede ba, tantanan mo lang ako! Galit?
  • Magpaputok sa likod o sa ibaba mo – Ang utot ay taksil! Bukod pa dyan, pwede ring may kahalo itong skatole, indole, methanethiol, dimethyl sulfide, hydrogen sulfide, volatile amines, short chain fatty acids, bacteria and tae (Sorry, ito lang kaya kong Tagalugin.). Kaya mag-isip-isip ka naman kung saan mo ‘yan gustong pakawalan. Maraming tao ang pwedeng madamay. Konting delikadesa naman, ‘tol!

Wala na akong maisip. Baka lalo lang maging corny ‘pag pinilit ko pang magdagdag. Ikaw, baka may maisip ka pa, dagdag mo na lang sa baba. Sulat ka rin. Hangga’t maaga e dapat mabigyan na ng babala ang mga tao. “An ounce of prevention is better than no prevention at all.” – High School teacher ko nagsabi nyan.