Mas Matalino na Tayo

by Sankage Steno

Maniniwala ba kayo kapag sinabi kong mas matalino na ang mga tao ngayon kumpara sa mga taong nabuhay noon? In other words, mas matalino tayo kesa sa mga lolo at lola natin at sa mga nauna pa sa kanila. Gusto mo ng proof? Eto, magbasa ka nang konti pa: Basa.

Medyo mabigat na claim ang sabihing mas matalino ang henerasyon natin ngayon kumpara sa mga nauna sa ‘tin. Una, hindi naman natin magagawang tumalino sa ngayon kung hindi dahil sa pundasyong inilatag nung mga nauna na sa atin.

Pangalawa, ibig sabihin din nito, kung masusunod ang ganitong trend, magiging mas matalino rin yung mga susunod na henerasyon sa atin. Kahit competitive akong tao, feeling ko OK lang naman kung ganito mangyayari. Basta magamit lang sa tama yung talino.

Digital Age

Nakakatawa lang din isipin na porke digital na tayo at mas madalas na nating kaharap ang computer at kausap ang headset e saka pa nila na-conclude na mas matalino na nga tayo. Oh well, minsan kasi parang computer na ang kumokontrol sa atin, instead of the other way around.

Parang ngayon, kausap ko yung computer, although utak ko pa rin naman yung nagdidikta sa mga nilalaman nitong sinusulat ko. So, I guess, pasok pa rin sa banga!

Nakakapagtaka rin naman. Since Albert Einstein kasi, wala pa akong kilalang scientist ngayon na ka-level nya. Pwede siguro si Carl Sagan o si Stephen Hawking, pero parang kulang pa rin kumpara sa talino at popularity ni pareng Albert. O baka naman mas marami na ngayon ang ganun katalino at naging standard na ang ganung level ng pagka-genius?

Peace on Earth

Nasabi rin nila na mas mapayapa ang mundo ngayon kumpara nung pre-history. Mas konti daw ang digmaan at patayan. I wonder kung gano ‘to katotoo. E di ba nga magulo pa rin ngayon sa Arab World, e.g., Syria, Yemen, Egypt, etc.? Kababasa ko lang sa balita na 40,000 na yung napapatay sa kaguluhan sa Syria.

Tapos isama na rin natin yung gyera ng U.S. sa Iraq at Afghanistan, pati na rin yung 9-11. At wag din nating kalimutan yung mass shooting sa U.S. pa rin. Mas konti namatay dun pero yung paraan naman and the elements surrounding it e hindi katanggap-tanggap. Deranged pa karaniwan yung killers. Tapos sasabihin mas matalino tayo ngayon?

“Are you telling me amalayer?”

Taun-taon na lang

Dito nga lang sa Pilipinas, hindi tayo matuto-tuto sa mga nangyayari sa atin every year. Alam na nga nating corrupt ang isang tao, ibinoboto pa rin. Tapos kapag hindi nag-improve ang buhay, sisisihin yung mga nakaupo. E sino bang nagluklok sa kanila to begin with?

And then yung mga bagyo at disasters na tumatama sa bansa year after year after year. Andami pa ring namamatay. Hindi pa rin sanay sa paghahanda yung maraming bayan at probinsya, pati yung mga ahensya ng gobyerno. At yung mga Pilipino naman, kapag umaraw na, nakalimutan na yung delubyo kahapon.

Ang talino nga.

Pero naniniwala akong isolated cases pa rin ang mga ito. Siguro nga, kung ikukumpara sa kasaysayan, in general, baka nga nag-improve na tayo ngayon as human beings. Baka nga nag-evolve na ang utak at pag-iisip nating nang bahagya. Sana lang matapatan ng wisdom at critical thinking yung sinasabing talino na ito.

Let’s see in the years to come.