Top 12 Blogs of 2012

by Sankage Steno

Yung akin lang ‘to ha? Hindi ko isasama yung ibang blog kasi sobrang dami at di ko naman binabasa lahat. Natuwa lang ako kasi sa first year (or five months) ko sa WordPress e ang dami na agad nakabasa ng gawa ko. Para sa isang writer, malaking bagay ang mabasa.

Gusto ko lang i-share na nag-blog ako para hindi pumurol yung utak ko, pati na rin yung pagsusulat ko. Alam ko kasing nawawala ang talent kapag hindi nagagamit. Pero kalaunan, nang mag-trend ang ilan kong blog, nasama na rin sa mga aim ko ang magpapansin o maging pampam sa online world… at ang maging kritikal, of course!

Narito na ang sandosenang pinakapampam (pinakamaraming views) kong blog entries:

12. I’m not a lahyer! (November 14) 264 views

11. Give Up Tomorrow (October 3) 293 views

10. Rated PG (September 12) 324 views

9. Pikit-sulat (October 9) 340 views

8. Karir Talk (October 4) 373 views

7. 9/11 (September 11) 569 views

6. Kalibugan ng Pag-ibig (September 7) 689 views

5. Paano Pasisipagin ang Sarili (September 8) 775 views

4. Para sa paborito kong teacher (October 5) 922 views

3. Emo Blog (November 5) 989 views

2. Lessons from an MRT Ride (September 10) 52,480 views

1. Ateneo & La Salle profs are like so not duwag (October 8) 59,353 views

Para sa mga conyo, emo, geek, nerd, tambay, genius, walang magawa, book worm, rakista, anime addict, bakla, tomboy, babae, lalake, confused, achiever, delingkwente, competitive, mediocre, klepto, relihiyoso, mag-aaral, yuppie, atbp., basta nagbasa o nagbabasa ng aking blog, dear readers, maraming, maraming salamat po.

Marami pang parating sa 2013. Takits!