Death by Faith

by Sankage Steno

Kapag may namatay na naman bukas sa Pista ng Poong Nazareno sa Quiapo, dapat na talagang ipagbawal ‘yan ng simbahan at ng pamahalaan.

Heck, kapag may na-injure lang, kahit wala pang mamatay, dapat talagang itigil na ‘yang malaking kalokohan na ‘yan.

Heck-heck, kahit walang mamatay, kahit walang masugatan o masaktan, basta kapag sangkatutak ang basura pagkatapos ng pista, dapat siguruhing hindi na mauulit ang prusisyon ng Nazareno.

Faith v. Idolatry

Oo, kinukwestyon ko ang faith ng mga Pilipinong sumasali sa malaking kabalintunaan na ‘yan. Hindi naman faith ‘yan e, idolatry. In another term, adik! Galit na galit? Galit na galit? Paulit-ulit, paulit-ulit? Unli?

Parang ano lang ‘yan e, ano, parang yung sa Old Testament, nung kinuha ni Tandang Moses yung sampung utos daw sa Diyos na nakakausap nya pero di nakikita yung mukha (pero nakita naman nya yung likod, a.k.a. puwet ng Diyos). Alam mo ba yun? Basta ang nangyari, pagbalik ni Moses galing sa Bundok Sinai, nakita nyang nagpa-party na yung mga Israelita.

E ayaw ng party-party ni Moses dahil wala nga sya at nasa bundok, saka gumawa ng diyus-diyosan (golden calf) yung mga Israelita, na parang yung Nazarenong yari sa kahoy at pinaitim ng langis, ayun, nagtampo, tapos nag-alborotong parang bulkan. Binasag yung tabletang bato na may sampung utos na bigay ng Diyos.

Hindi ko nga alam kung pa’no pa naalala yung sampung utos e, basagin ba naman pagkatapos ipagkaloob ng Maykapal. Siguro matalas lang talaga ang utak ng mga tao noon, lalo na ni Moses. Or, baka gumawa ng sariling sampung utos si Moses after nyang mahimasmasan at ma-realize na binasag nya ang sagradong utos ni God.

Culture v. Reason

Oh well, hindi naman yun ang punto. Ang punto ko, kung nagalit si Moses noon sa mga Israelita dahil sa pagsamba nila sa diyus-diyosan, bakit hindi nagagalit ngayon ang Simbahang Katolika sa pagkahumaling ng mga deboto sa Black Nazarene, gayong katulad din ito ng pagkahumaling ng mga Israelita noon sa golden calf? Porke si Kristo yung imahe at hindi na yung baka?

Holy Cow!

Pero syempre, kultura na ‘yan at saka maraming umaasa o naniniwala, at marami na rin daw ang nabiyayaan, kaya hindi na dapat itigil pa. Wala namang kaso yun sa ‘kin kung nakakabuti sa iyong buhay ang pagiging relihiyoso o kung malakas ang ‘yong pananalig sa Diyos. That’s good. Really good.

Walang Himala

However, may punto si superstar Nora Aunor, a.k.a. Ate Guy: “Walang himala!” Wala talaga. Gawa lang ng tao ang himala. Or hindi pa lang natin kayang ipaliwanag ang mga “miracles” dahil sa limited knowledge at techonology natin. Baka anomaly lang yun o random chu-chu ni Mother Nature. In the future, we might have a more acceptable answer to all these things. Pero dahil di pa maipaliwanag ngayon, we call it himala.

Pero pa’no kung yung practice mo bilang isang relihiyosong tao o bilang isang deboto e nakakasakit na o nakakamatay, at nakakasira ng paligid (parang yung Ultra stampede na walang naparusahang tao kahit maraming namatay), tingin mo ba malulugod ang Diyos dun?

Kung ang sagot mo ay isang tumataginting na “Oo,” then go! “Go and kill yourself!”