Para sa Isa

by Sankage Steno

Ayokong i-consider syang resolution ko para sa 2013 dahil hindi naman sya yung tipong dapat kong baguhin sa sarili, saka isa pa, matagal ko na rin namang ginagawa ‘to noon pa, specifically nung college. Ngayon ko na lang ulit gagawing habit.

Nung college days kasi, bilang medyo naging independent, mas nagkaroon din ako ng marami-raming panahon for myself, kaya may mga nagagawa akong bagay na nung nasa probinsya ako ay hindi ko madalas gawin, or hirap talaga akong gawin dala na rin ng ibang taong nakapalibot sa ‘kin dun.

This time, dahil nagwo-work na ‘ko, at marami na naman akong oras sa gabi, magagawa ko na ulit sya. Medyo mahirap lang nga ngayon kasi, unlike nung college na nagagawa ko sya with my friends, para sa akin na lang ngayon. Magastos din ha.

Araw-araw

Wag ka nang magkamot, sasabihin ko na.

Pagluluto. Sa wakas e magagawa ko na ulit sya ngayon on a regular basis. Hindi ko alam kung mas makakatipid ako bilang para sa isa nga lang yung gagawin kong pagluluto. Feeling ko kasi mas makakamura kung pangmaramihan yung luto, tapos may kahati ka pa sa gastos sa mga rekado at sangkap.

Anyway, kagabi ang niluto ko e madali lang naman. Nagsaing ako ng kanin, tapos pinatungan ko yung rice cooker nung pang-steam, at dun ko inilagay yung limang piraso ng okra at isang kamatis. So nung naluto yung kanin, steamed na rin yung mga gulay.

Lumambot nang husto yung kamatis kaya dumami yung juice nya. Piniga ko saka sinamahan ng Knorr Seasoning sauce sa halip na patis para mas malasa. Yun ang ginamit kong sawsawan ng okra. Nagulat ako kasi masarap yung combination. Sanay kasi akong ang ka-partner ng okra e bagoong o kaya e burong kanin. Sarap! Naglalaway na ‘ko.

Iwas sa Mamantika

Bukod dun, nagprito rin ako ng Dak meat loaf. Hindi ko na ginamitan ng mantika dahil non-stick naman (medyo) yung pan na pinagprituhan ko, saka naglalabas din ng mantika yung meat loaf na naregalo ko pa nung Pasko. Ayun, e di mas tipid saka mas healthy. Umiiwas din kasi ako sa taba for health reasons. More than that, tumaba kasi ako nung nakaraang bakasyon. Grabe.

For tonight, magluluto ako ng tuna omelette. At dahil marami pa akong okra at kamatis, iuulam ko ulit sya. Nag-iisip pa nga ako kung ano uulamin ko sa mga susunod na araw. Ang hirap kasing kumain ng healthy sa Pinas dahil puro karne ang nakikita ko sa palengke. Yung gulay naman e kay mahal ngayon. Ayoko namang puro canned goods.

Ay, sige, luto ng yung sinaing ko. Isusunod ko na yung ulam. Kain na tayo.