Writer’s Black

by Sankage Steno

Bobo pa kasi ako noon kaya ang tawag ko sa writer’s block e black. E ambobo rin naman kasi nung mga nagsabi sa ‘kin nun. Very Pinoy kasi ang pagkakasalita nung narinig ko sya for the first time. Black daw e block naman talaga. Magkaiba kaya ng pronunciation yun.

Naintindihan ko naman yung konsepto nung salita kahit mali yung tawag ko. Na hindi makapagsusulat kasi nga nabablangko yung utak. Ang na-imagine ko tuloy noon, dahil sa black ang alam ko at hindi block, nagdidilim at nagkukulay itim yung nasa isip kaya hindi makapagsulat.

Natakot pa nga ako noon dahil feeling ko sakit sya at nakakamatay. E ang hilig ko pa namang magsasali sa mga writing contests nung high school dahil yun lang ang hindi nakakahiyang salihan. Imaginin mo, magsusulat ka lang tapos magkaka-medal ka na.

E kung sumali ako sa oration o declamation o balagtasan o pagtula, edi haharap pa ‘ko sa maraming tao at kakabahan at mahihiya. Di ko masyadong kaya noon yun. Noon lang ha. At least pag writing contest, walang audience at mahaba-haba ang time sa pagsusulat. Mas nakakapag-isip pa ‘ko.

Isang Sakit

Anyways (eww ‘tong salita na ‘to), mabalik ako sa writer’s black. Inisip ko nga noon na sakit sya. E bilang writer-writeran ako noong panahong bobo pa ‘ko, inisip ko na very prone ako sa sakit na ‘to. Na any-any e magdidilim ang utak ko at mawawalan ako ng ulirat. Kinabahan pa nga akong baka bigla na lang akong himatayin kapag nagsusulat.

Good thing, hindi naman ako hinimatay. Pero inaamin kong maraming beses akong nagka-writer’s black. Hindi ko naman kasi maintindihan sa ballpoint pen ko kung bakit kahit kabibili ko pa lang e nagtatae na agad. Maswerte nga kung sa palad ko lang sya umiipot. Ang malala, minsan kapag nakasuksok sya sa polo ko e saka pa magkakalat.

Ito ang pinakamatindi kong writer’s black. Minsang nag-iisip ako para sa isang sulatin (or nakikinig lang yata ako sa isang lecture ng teacher), subu-subo ko yung dulo ng pen ko sa bibig dahil nakasanayan ko na yun. Mannerism kumbaga. Nabigla na lang ako nang biglang may nalasahan akong maanghang.

Pagtanggal ko ng pen sa bibig, laking gulat ko nang makitang nagtatae na naman yung panulat ko. Ansama ng lasa! Pagtingin ko pa sa salamin, itim na itim yung dila ko. Nigger tongue ba. Sorry racist. Lecheng writer’s black!