Libreng Gamot: Tawa lang

by Sankage Steno

Buti na lang at mahilig akong magbasa, marami akong nalalamang bago. At nalaman ko ngayon na totoo palang “Laughter is the best medicine.” Hindi na lang sya basta kasabihan ngayon; meron na kasing scientific proof na magsasabing effective nga syang gamot.

OK, fine, hindi pa siguro napapatunayang “best medicine” sya, pero at least nagagamit na sya ngayon sa mga therapy at other healing processes.

Eto, basahin mo: BASA

Sinulat yan ni Jaime Licauco. Teka, Jaime Licauco? Credible source ba yun? I know, I know. Kalma ka lang dyan. Na-anticipate ko nang babatasin mo si Pareng Jaime porke psychic “lang” sya at hindi scientist. Kaya eto naghanap ako ng iba pang source na tingin ko naman e medyo credible.

Click mo ‘tong link: Credible Source

Medyo dubious yung hitsura nung site pero matakot ka naman sa sangkatutak na extensions sa pangalan nung dalawang authors. Mas mahaba pa yata yung extension kesa dun sa name nila mismo. Taeng Ph.D. yan o. Kayo na ang may pampaaral sa sarili! Bitter?

Anyway, mabalik ako. Sabi kasi, kapag masaya ka raw o positive ang feeling sa buhay o kapag tumatawa, naglalabas yung katawan mo ng endorphins o “endogenous morphine.” Imagine that! Di mo na kailangang gumastos para maging adik. May morphine na tayo sa katawan mismo!

Bukod sa endorphins, naglalabas din ng interferon yung katawan natin kapag tumatawa tayo. Well, ginagamit lang naman ang interferon sa panggagamot ng certain forms of cancer. At di biro ang halaga nito. E nasa $1,700 lang naman per shot nito for four weeks. So mga $425 kada linggo or PhP17,000.

E kung tumawa ka na lang kaya? Libre pa!

But I think hindi lang basta gamot ang pagtawa. Tingin ko mabisa rin syang preventive measure para hindi tayo magkasakit. Kasi kung masayahin kang tao, hindi ka stressed. Alam naman nating lahat na mas prone sa sakit ang mga taong stressed. Kaya kung ako sa ‘yo, tawa ka na lang.

TRIVIA: May tinatawag na good stress. Ang tawag dito ay eustress.

Tawa ka habang nagtatrabaho. Tawa habang tumatae. Tawa habang nakikinig sa radyo. Tawa habang kausap ang mga kaibigan. Tawa habang nanonood ng TV. Tawa habang natutulog. Tawa habang kumakin ng isaw. Tawa habang tumatawid sa kalye. Tawa habang bumabiyahe. Tawa kapag walang nakatingin. Tawa kapag umutot. Tawa kapag mag-isa.

Tawa lang nang tawa!