Les Miserables Pinoy Edition

by Sankage Steno

The Miserables. The Wretched. The Miserable Ones. The Poor Ones. The Wretched Poor. The Victims. Sa Tagalog, Ang mga Dugyot. Ang mga Lumpin. Ang mga Dukha. Ang mga Biktima. Ang mga Hampas-Lupa. Ang mga Mahihirap. Ang mga Patay-Gutom.

Ano na lang kaya ang kalalabasan ng nobela/play/pelikulang ito kung Pilipino ang gumawa?

Tingin ko, hindi sya sisikat sa buong mundo. Baka nga hindi rin sya sumikat dito sa bansa natin. Pero masasabi ko namang magiging maganda ang pagkakagawa, lalo na siguro kung si Lazaro Francisco o Edgardo M. Reyes ang magsusulat, si Lino Brocka o Ishmael Bernal o Dante Mendoza ang magdidirek, o si Tony Mabesa o Floy Quintos ang lilikha ng play nito.

Hindi naman nagkukulang ang Pilipino sa creativity. Kulang tayo sa budget. Pero dahil resourceful naman tayo, feeling ko magiging award-winning pa rin sya.

Sino naman ang pwedeng mga gumanap sa major characters nito?

Sa pelikula lang ako magfo-focus ha. Syempre Lea Salonga na ang best choice sa play, kahit pa sya sa lahat ng characters, feeling ko magagampanan nya nang mahusay. Exempted na rin sina Leo Vergara, Monique Wilson, Robert Sena, Isay Alvarez, etc.

Major Characters:

Jean Valjean – Cesar Montano ang una kong naisip dito. Kumakanta rin naman kasi sya kaya baka maging maganda yung performance nya sa ganitong role.

Javert – Si Bembol Roco ang nakikita kong magiging mahusay na gaganap dito bilang isang Β “fanatic police inspector” na nagtrabaho bilang gwardiya sa kulungan.

Fantine – Gusto kong gumanap nito si Chin-Chin Gutierrez, pero di ko sure kung mahusay syang kumanta. Kung di sya, baka pwede rin si Anne Curtis. Bakit sya? Ewan. Face value siguro. Kumakanta din naman sya, di ba? (Face palm)

Cosette – Si Charice. Joke! Hindi sya gusto ko dyan. Mas bagay sa tingin ko si Rita Iringan ng GMA Artist Center.

Eponine – Aicelle Santos o Sitti ang mga pumasok agad sa isip ko.

Marius Pontmercy – Naiisip ko si George Estregan, Jr., bilang kakaganap lang nya bilang Emilio Aguinaldo, pero pasado rin for me si Philip Salvador at Edu Manzano.

Monsieur Thenardier and Madame Thenardier – Parang ayos na gumanap nito sina Nonie Buencamino at Jean Garcia. Nakakatakot silang magalit e.

Enjolras – Pasok sa banga sana si Dingdong Dantes, pero mas aprub sa ‘kin si Jake Cuenca, lalo na kung magiging mahusay yung pag-arte nya.

Gavroche – Baka OK si Aljur Abrenica rito o si Daniel Padilla, para panghatak ng audience. Umayos lang sila sa pag-arte, hindi O.A. at hindi pilit dapat.

Bishop Myriel – Si Tony Mabesa, bilang gumanap syang Padre Damaso saΒ Jose Rizal (Tama ba?), pero mukhang ayos din si Pen Medina o Eddie Garcia.

Ikaw, sinu-sino tingin mong pwede?