Crane

by Sankage Steno

Tuwang-tuwa ako sa mga crane sa BGC nung Pasko kasi tadtad ng parol and Christmas lights mula baba hanggang taas. Ta’s dun ko napansin na sandamakmak na pala ang cranes dito sa Metro Manila.

We’re having another construction boom!

Isa lang ang ibig sabihin nito, umuunlad na talaga ang Pilipinas! Hindi ko alam kung alin sa mga itinatayong building e galing sa foreign direct investment at alin ang sa mga local business players natin. Basta ang sure ko, mas maraming pera na ang mga negosyante ngayon para magpagawa ng mga bagong istruktura.

Mabuhay ang mga karpintero!

Tiba-tiba na naman ang mga manggagawa ngayon, lalo na sa real estate industry. Ang laki na naman ng kita ng mga construction companies. Bakit kaya hindi ko na-foresee ‘to nung college? Mukhang OK pa namang career ang real estate. Although hindi ko naman sinasabing pinagsisisihan ko ang pagkuha ng Journalism. No!

Ang saya lang kasi marami ang nabigyan ng trabaho dahil sa dami ng mga ginagawang building sa Makati, Taguig, Mandaluyong, Pasig, Quezon City, Manila, etc. Ang wish ko lang e sana dumami pa, at sana yung mga manggagawa e maging regular yung trabaho. Baka kasi pagkatapos ng paggawa, unemployed na ulit, unless may dumating na bagong project.

Sana rin, bukod sa dumaraming cranes sa paligid e dumami na rin ang available na trabaho para sa iba’t ibang sektor. Ampangit naman kasing puro call centers lang ang tiba-tiba. Sana yumaman din ang agrikutura natin para umasenso yung mga nasa probinsya.

Syempre, sana umunlad din ang industriyang kinabibilangan ko: ang media. Mukha kasing glamorous kapag sinabi mong sa media ka nagtatrabaho. What most people don’t know e yung mga sweldo namin e di nalalayo sa sweldo ng construction workers. Siguro “mas madali” lang yung ginagawa namin dahil hindi ito masyadong pisikal… or not!

Well, debatable naman kung madali o hindi yung trabaho namin. Ang punto ko, sana tumaas ang sweldo namin (at ng lahat) para mabawasan yung mga unethical practices sa profession. May kilala akong tumatanggap ng pera mula sa sources. Bukod dun, ginagamit pa yung pagiging media sa pansariling kapakanan. How unethical lang!