Pagamit ng Banyo

by Sankage Steno

Anong mararamdaman mo kapag yung bisita mo o kapitbahay e nalaman mong gumamit ng banyo nyo nang walang paalam? Maiinis o magagalit ka ba? E pa’no kung nalaman mong sinira/nasira din ng bisita/kapitbahay mo yung lababo nyo? Ano ulit mararamdaman mo?

Syempre maiirita, maiinis, magagalit at dapat maghuramentado ka.

Una, trespassing. Pangalawa, invasion of privacy. Pangatlo, destruction of property.

Ang dami mong karapatan na na-violate. Natural lang na umusok ang tenga mo at mag-init ang ulo. Kung papalampasin mo lang yun, mauulit at mauulit yun. Baka sa susunod, mas umabuso, e angkinin na yung buong bahay nyo at pagsisirain lahat ng hindi kanya, which is lahat.

Ngayon, imagine-nin mo naman na yung bisita o kapitbahay mong bansa e nanghihimasok sa bansa mo at ginagamit, sinisira at inaangkin ang pag-aari ng bansa mo. Anong mararamdaman mo? Aba, kahit hindi ka makabayan, siguradong lalabas ang dugong Katipunero mo.

Ganyan lang naman ang ginagawa ng China at U.S. sa atin. Una, yung issue sa West Philippine Sea na inaangkin lahat ng China, kahit yung mga isla/bayan na matagal nang pinangangalagaan natin. Tapos, andyan naman yung drone ng U.S. na natagpuan kamakailan sa may Masbate. Pangatlo, yung barkong na-stranded sa Tubbataha na sumira na sa mga coral reef doon.

Ano pang susunod?

Tangina. Dapat aksyonan agad ‘to ng pamahalaan. Ano gusto nilang mangyari, ako ang umaksyon? Sige, susugurin ko ang China at U.S. Yey! Tapos ang problema. Ang galing-galing ko talaga. Potah. Ito lang ang magagawa ko: ang magsulat tungkol dun at ipaalam sa iilang nagbabasa ng blog ko ang tungkol sa panghihimasok at pang-aabuso ng mayayamang bansa sa Pilipinas.

Kumukulo talaga ang dugo ko. Hindi ko alam kung bakit kaninang umaga pa ‘ko inis at galit. Kabuwanan ko ba?

Taraglis!