DOTA sa Lupa, Para Nang sa Langit

by Sankage Steno

In response to this “testimony.”

Ancients

Sabi sa Bibliya, Numbers 33:52: “Then ye shall drive out all the inhabitants of the land from before you, and destroy all their pictures, and destroy all their molten images, and quite pluck down all their high places.”

Ito mismo ang goal sa larong DOTA: ang pabagsakin ang “high places” ng kalaban, which is also called “ancients.” Sa Sentinel, ito yung puno na parang inspired ng Yggdrasil. Sa Scourge, ito yung parang ice cream na puro ice at walang cream.

Para sa ancient ng mga Sentinel, ito ang sabi pa ng Bible: Luke 6:43 “For a good tree bringeth not forth corrupt fruit; neither doth a corrupt tree bring forth good fruit.”

Para naman sa mga Scourge, ito ang sabi ng Bibliya: Exodus 9:15 “For now I will stretch out my hand, that I may smite thee and thy people with pestilence; and thou shalt be cut off from the earth.”

Sentinel vs. Scourge

Ang wika ni Ezekiel (33:6): “But if the sentinel (emphasis mine) sees the sword coming and does not blow the trumpet, so that the people are not warned, and the sword comes and takes any of them, they are taken away in their iniquity, but their blood I will require at the sentinel’s (emphasis mine) hand.”

Sa DOTA, magkalaban ang Sentinel at Scourge. Ang Salita ng Diyos ay tunay at tapat. Kung susundin ang nasasaad sa Bibliya, dapat daw hipan ng Sentinel ang trumpeta pagdating ng kaaway. Bago ang labanan sa DOTA, may nagpapatunog ng malakas na battle sound, tapos tilaok ng manok, saka palang susugod ang creeps.

Ito ay patunay na ayaw ng Sentinel na mapahamak ang mga tao kaya pinatutunog nila ang “trumpeta.” Maliwanag na sinusunod ng laro ang nasasaad sa Banal na Kasulatan.

First Blood

Ang unang naka-first blood sa Bible ay si Cain. Ito ay nung patayin nya ang kapatid na si Abel dahil mas pinili ng Diyos ang alay ng nakababatang kapatid. Nagalit si Papa God sa pagdanak ng dugo kaya pinarusahan nya si Cain.

Sa larong DOTA, ang unang nakaka-first blood e yung unang nakakapatay sa isang hero. Hindi nagagalit ni pinarurusahan ng Diyos ang nakaka-first blood sa DOTA. Wala pa akong nabalitaang pinatay ng Diyos dahil sa first blood sa laro. Following this line of argument, kung di sya nagalit, baka natuwa sya. In other words, may blessing ni God ang pagpatay sa kalabang hero, at mas OK kung ikaw ang makakauna.

God-like

Sabi sa Genesis 1:27, “So God created man in his own image, in the image of God he created him; male and female he created them.”

Tinatawagan tayo ng Diyos na maging katulad Niya sa anumang aspeto ng buhay, not just physically.

Sa DOTA, kapag nakapatay ka ng hero ng siyam na beses, may sisigaw na matandang binata na “GOD-LIKE!” Sa ganang akin, pinatutunayan nito na ang paglupig sa kalaban ay katuparan din ng Mabuting Balita na tayo nga ay tunay na “kawangis ng Diyos.”

Malinaw ang mensahe: Kung papatay ka lagi ng kalabang hero, magiging kawangis mo lalo ang Panginoong Diyos.

Fountain of Life

Ito ang nagbibigay buhay sa mga hero sa DOTA. Kapag nasira ito, imposible nang mag-heal ang mga hero at lalo silang mahihirapang puksain ang kalaban. Ganitong-ganito rin ang silbi sa atin ng Diyos.

Basa: Psalm 36:9 “For with You is the fountain of life; In Your light we see light.”

Kapag nawala ang Diyos, na Fountain of Life, sa ating buhay, mahihirapan na rin tayong makita ang liwanag. At lubhang mahihirapan tayong talunin ang kaaway.

Think

At para sa mga naglalaro ng DOTA tulad ko, magbunyi kayo at magpakarami. Nasa panig natin ang Diyos. Ang larong ito ay kaloob sa atin ng Maykapal. Nasusulat sa Bibliya na ito ay dapat nating isipin lagi at isapuso na rin.

Philippians 4:8 “Finally, brothers, whatever is true, whatever is honorable, whatever is just, whatever is pure, whatever is lovely, whatever is commendable, if there is any excellence, if there is anything worthy of praise, think about these things.”

DOTA is “true,” “honorable,” “just,” “pure,” “lovely,” “commendable,” has “excellence” in it, and definitely “worthy of praise.” So “think” about it all the time.

AMEN.