Tila Ibon Kung Lumipad

by Sankage Steno

Ayoko sanang gawin ‘to pero sobrang natuwa ako sa nangyari kanina kaya, for the first time, ilalagay ko ang picture ko dito sa blog. Safe naman sya kasi hindi naman kita nang buo yung mukha ko. So there’s still room for a little mystery para sa mga hindi nakakakilala sa ‘kin.

ImageMay pinuntahan na naman kasi ako kanina malapit sa (oops, bawal pa). Expected ko na naman kung ano yung gagawin ko kasi nasabihan na ‘ko beforehand. Hindi ko lang inexpect na sobrang mag-eenjoy ako sa aking first pilot (parang redundant) experience.

Mahirap palang maging piloto, pero sobrang saya magpalipad ng eroplano! As in! E ang astig pa nung simulator dahil super-duper high tech nya. Pinipigilan ko ngang mapanganga e.

Hindi ko muna sasabihin kung ano pangalan nung simulator at kung saan sya kasi, ano, kasi… basta hindi pa pwede. Makontento na tayo sa ganung dahilan.

Damang-dama ko talaga yung pagiging piloto, although First Officer lang yung posisyon ko at hindi kapitan. Naunahan kasi ako sa upuan. Pero OK lang, masaya pa rin naman ang experience ko sa loob ng cockpit. Totoong-too kasi. Parang lumilipad talaga yung pakiramdam. Pati yung view sa labas, parang airport talaga.

Bakit ba hindi ko pinangarap maging piloto nung bata? Andami ko namang kamag-anak na OFW? Nakuntento na kasi ako sa pagkaway at pagsigaw sa tuwing may eroplanong dadaan sa itaas ng bahay namin. Hindi ko kasi noon pinagbutihan masyado ang paggawa ng eroplanong papel.

Anyway, masaya naman ako sa pinili kong propesyon. Hindi talaga ako nagkamali. Biruin mo, naging piloto ako kahit ngayong araw lang. Naging teacher na rin ako, naging pulitiko, naging businessman, naging chef, naging pari, naging programmer, naging martial artist, naging scientist, hetchetera, hetchetera, all because of journalism.

Ano kaya ang susunod kong magiging propesyon?