Infinity Blade Moments

by Sankage Steno

Adik na adik ako sa kaka-parry, dodge, block and slash sa mga kalaban ko kahapon habang naglalaro ng Infinity Blade (IB) sa tablet ng Mama ko. Sa sobrang adik hindi ko na namalayan yung oras na lumipas. Parang na-transport ako nung high school days na OK lang hindi kumain sa tamang oras at di maligo basta nakakapaglaro ako ng PlayStation.

Para sa mga hindi nakakaalam, ang IB ay isang “action role-playing iOS video game” na nilikha ng Chair Entertainement at Epic Games. Isa lang naman ang goal ng game: patayin ang kalaban. Maganda kasi yung gameplay, parang Fruit Ninja lang pero mas aggressive. Impressive din yung story, which is what I like most sa isang game, kasi medyo pa-deep sya.

Sa sobrang pagkahumaling ko kahapon sa paglalaro, nakikipag-away pa ‘ko sa mga pinsan kong apat/limang taon. Kakahiya. E kasi naman nakadukdok na yung mukha nila sa screen, di ko na makita yung nilalaro ko! Ta’s kung sa’n ako pumunta, nakabuntot sila lagi. Pa’no ka ba naman makakapaglaro nang maayos? Isip-bata lang?

Nanay

Sa kalalaro ko, hindi ko na napansing nakatingin sa ‘kin yung lola ko. At nung lumalaban na ‘ko sa boss, panay-panay ang slash ko sa screen. Talagang nanggagalaiti sa galit habang pumapatay ng make-believe na kaaway. Nang mapatay ko na, dun ko lang napansin na nanonood pala sa ‘kin yung lola ko.

“Lintyak lang a,” sabi ni Nanay habang napapalatak pa na nangingiti.

Medyo napahiya naman ako sa sarili ko. Bente-singko anyos na ‘ko pero parang nawala yung dos sa umpisa kung umasta ako. Minsan tuloy iniisip ko kung talaga bang mature na ‘ko mag-isip o tumatanda lang akong paurong.

Umalis na lang ako para pumasok sa kwarto. Dyahe kay Nanay e. Imagine, sya yung nagpalaki sa ‘kin. Pinapaliguan pa nya ‘ko noon e kay taba-taba kong bata dati. Tapos ngayon, tumanda na ‘ko pero parang bata pa rin yung “ilang” ugali ko. Patawa lang.

Lolo

Naalala ko tuloy bigla yung lolo ko naman sa father side. Dumalaw kami sa kanila one time, siguro four years old pa lang ako nun. Syempre, laro agad ng family computer pagdating sa kanila, habang yung lolo ko e pinapanood lang ako at inaawat sa paglalaro. Di naman nya ako maawat kasi di ko sya pinapansin noon.

Napapatalon pa ‘ko tuwing tatalon din si Mario sa screen. Busy rin ako sa pagkuha ng hundred lives, nung 1UP.

Kung bakit naman kasi napakaadik ko sa video games noon (hanggang ngayon). Di ko tuloy napapansin yung ilang mahahalagang tao sa buhay ko. Or napapansin ko pero pipiliin kong ‘wag na lang pansinin pagkatapos. Nakaka-guilty tuloy minsan. Tulad ngayon. Napasulat tuloy ako ng blog tungkol dun.

So titigil na ba ako sa pagkaadik ko sa video games? Hindi siguro. Pero mamamansin na ‘ko, pramis!