Cyberbully Me

by Sankage Steno

What is cyberbullying? Who is a cyberbully?

Yes, English na talaga blog ko. Lumelevel-up! Pero, seriously, gusto kong malaman kung cyberbully ba ako sa ipapakita ko sa iyo ngayon. Eto o:

Image

Nakasabayan ko lang ‘yan sa LRT nung magpunta ako sa Maynila. Nung pababa na ‘ko sa EDSA e natanaw ko ‘tong lalaking ‘to sa pinto at nakabuyangyang talaga yung cleavage ng puwet nya. Di ko alam kung sinasadya ba nya o talagang unaware. Basta ako, sure akong natawa ako.

Ang unang pumasok talaga sa isip ko e picturan yung kuyukot nung mama, tapos i-post sa Facebook. Hindi ko pinost sa FB, or hindi ko pa pinopost, pero andito na sya sa blog ko. Hindi ko rin naman kilala yung lalaki at wala namang identification sa photo. Ang tanong: Is that considered cyberbullying? Cyberbully na ba ako?

E sa nakakatawa e? Ansama ko lang.

Saka naniniwala ako na ang mundo ng Internet ay hindi para sa mahihina. Kung weak ka, lalamunin ka ng strong. So strong pala ako? Pero naniniwala din akong the strong should protect the weak. Edi bully nga ako.

At least hindi ko ginawa yung katulad sa nag-video kay amalayer girl o yung kay Carabuena. Saka hindi ko rin ginawang sensational news ‘tong sulat ko gaya nung ginawa sa case ni Christopher Lao nung sumuong sya sa baha. At talagang jina-justify ko pa ‘tong ginagawa ko.

Ikaw na lang ang bahalang manghusga sa ‘kin. I’m giving you the right and the privilege. Basta ang pinakamalaking tanong sa isip ko ngayon… Nakasuot ba ng T-back si kuya?