Tips for Singles this Valentine’s Day

by Sankage Steno

Ang pag-ibig ay para sa lahat. Gayundin naman, ang ika-14 ng Pebrero, na ngayo’y nalalapit na, ay hindi lang dapat maging espesyal sa mga may kasintahan o kabiyak sa buhay, ngunit maging sa mga taong nag-iisa o hindi pa natatagpuan ang taong nararapat para sa kanila.

At para hindi masyadong malamig ang pagdiriwang o pagsalubong sa Araw ng mga Puso, narito ang ilang mga bagay na maaaring gawin o bigyang-pansin ng mga taong walang kapareha ngayong Valentine’s Day.

Tips for Singles

  • Celebrate with your friends. Hatakin mo ang lahat ng kaibigan mong single. Pumunta kayo sa isang middle-class na restaurant kung saan maraming nagde-date. Gawing maingay at puro tawanan ang pagdiriwang ninyo para mapansin ng mga nakapalibot na nagde-date. Mare-realize nila na mas masayang maging single.
  • Load your cellphones and subscribe to unlimited call and text. Ubusin ang free time sa pakikipag-text o pakikipagtawagan sa iyong best friend o kahit sinong ka-close na kapamilya. Gawin ito sa public o sa harap ng maraming tao. May effect ang pagtawag sa phone sa mata ng iba. Iisipin nila na mayaman ka, at iisipin din nilang kausap mo ang iyong special someone on the other end.
  • Eat weird combinations of food on February 13. Para pagdating ng Valentine’s, nagtatae ka. Kapag nangyari ito, makakapag-leave ka sa trabaho at maglalagi lang sa banyo buong araw. Kung hindi naman, maoospital ka. Mas OK ito. Kapag nagkasakit ka, dadalawin ka ng mga taong nagmamahal sa iyo. Swerte mo kung yung doktor o nurse e bet mo rin.
  • Go to a museum. Iwasang magpunta sa mga mall o sa park o sa baywalk area. Maraming pupunta roon, for sure. Pumunta ka na lang sa museum at i-educate ang sarili. Ang magandang part nito, baka mayroon ding isang taong patingin-tingin kunwari sa exhibit, tapos magkakabanggaan kayo, tapos malalaglag cellphone mo, tapos dadamputin nya, tapos magso-sorry sya, tapos magpapakilala sya, tapos…
  • Memorize a rap song. I suggest na kabisaduhin mo ang Gayuma ni Abra o yung The Yes Yes Show ng Parokya ni Edgar ngayon pa lang. Pagdating ng Feb. 14, kantahin mo ito mula bahay hanggang opisina at siguraduhing maririnig ng lahat. Magkaka-LSS sila dahil sa ‘yo. May maiinis at may matutuwa. Inisin mo lalo yung nainis kasi the more you hate, the more you love. Dun sa natuwa, kunin mo yung number, then call him/her, maybe.
  • Walk the dog. Kung wala kang sariling aso, hiramin mo yung sa kakilala mo at mag-volunteer na ipapasyal ito. Kung meron kang sariling alaga, mabuti. Pumasyal kayo ng aso mo sa mga parke, sa mall, sa subdivision, etc. Mabisang pang-attract ng attention ang mga aso at conversation starter na rin. Dagdag pogi/ganda points din ‘to kaya chance mo nang makahanap ng special someone.
  • Buy a bouquet of flowers. Alam mong hindi ‘yan para sa ‘yo pero gamitin mong props para maisip ng ibang taong may nagbigay sa ‘yo o may pagbibigyan ka. Kapag tinanong ka nila kung kanino galing, sabihin mo sa secret admirer mo, sabay ngiting patago na medyo nahihiya pa. Pagkagaling sa trabaho, dumiretso sa sementeryo at ialay sa yumaong mahal sa buhay.

Tandaan lang, it’s not the end of the world, so carry on. Isang araw lang naman ‘to. ‘Wag mo namang sirain ang buhay mo dahil lang Feb. 14 na. Iwasang magkulong sa bahay dahil hindi ito productive at proactive. Iwasan ding ikumpara ang sarili sa mga makakasalubong na magdyowa at sa mga may dalang bouquet of flowers. Laging isipin na mas masayang maging single!