My name is Vinci.

by Sankage Steno

Linya ‘yan sa isang kanta ng Parokya ni Edgar.

Binabasa ko pa rin kasi hanggang ngayon yung libro ni Michael J. Gelbs na How to Think Like Leonardo Da Vinci (HTTLLDV) habang sinasabay ang pagbabasa ulit ng The Da Vinci Code (TDVC) ni Dan Brown. Wala kasi akong magawa sa bahay, e wala rin naman akong pambiili ng bagong book kaya ulit-ulit din.

In fairness sa TDVC, marami akong detalye ngayong napapansin, di tulad nung binasa ko sya nung college. Palibhasa e nagpadala ako noon sa hype kaya ginusto kong matapos agad yung pagbabasa. Na-miss ko tuloy yung part tungkol sa misogynistic people and society natin, and yung part about sa witchhunt.

Before kasi nito, may binasa pa akong libro, yung The X-Rated Bible ni Ben Edward Akerley at nagtugma yung sinabi nila ni Dan Brown about sa Catholic Hierarchy na pinagpapatay ang mga “witch” noon. Turns out, ang mga “witch” na ‘to e hindi yung nagko-concoct ng potions o spells at nakasakay sa broomstick. Instead, sila yung mga educated/freethinking women na ayaw ng simbahan noon.

Anyway, mahabang topic pa ‘yan. It needs another blog entry (or book) kaya di ko na lang pahahabain. Ang gusto ko talagang ibahagi ngayon e yung part ng HTTLLDV tungkol sa pagpapahusay ng pandinig natin to become like, well, Da Vinci. Nagbigay si Gelbs ng 10 “best” classical music, although best is, of course, debatable. For the purpose lang of listing something.

Naintiriga ako kaya naman ngayon e sinusubukan kong pakinggan silang lahat habang nagtatrabaho sa opisina. Tatlo pa lang yung natatapos ko so baka maunahan nyo pa ako. Eto na yung list. Sana mapakinggan nyo rin at magustuhan.

10 Best Classical Songs

  1. Mass in B Minor by Bach
  2. Symphony No. 9 by Beethoven
  3. Requiem by Mozart
  4. Nocturnes by Chopin
  5. German Requiem by Brahms
  6. Symphony No. 6 by Mahler
  7. Four Last Songs by R. Strauss
  8. Preludes by Debussy
  9. The Rite of Spring by Stravinsky
  10. It’s a tie between Aida by Verdi and La Boheme by Puccini

Sana may ma-appreciate ka kahit isa lang dyan. And avoid comparing it to our songs today. Iba ang panahon noon kaya iba rin ang musika. Iba rin sa ngayon. Kanya-kanya ‘yan. I hope na makatulong ito kapag gumagawa ka ng something at kailangan mo ng music as background.

Who knows? Baka maging kasinghusay din tayo ni Da Vinci sa kakapakinig nito. Kahit half as good lang pwede na.