Tanginang NBI clearance ‘yan

by Sankage Steno

Sa isang pangungusap, nag-aksaya ako ng tatlong araw para lang sa NBI clearance na ‘yan.

Kailangan ko kasi sya para sa binabalak kong pakikipagsapalaran sa hinaharap. Ibabahagi ko rito as light as possible ang karanasan ko sa pangatlong (o panlima?) beses kong pagkuha ng lecheng requirement na ito.

February 5. Ortigas (Robinsons at Megamall)

12:45 – Sinabi ng gwardiya na tapos na raw ang bigayan ng forms. Dapat daw alas singko pa lang e andun na.

1:20 – Pumunta ako sa SM Megamall sa pag-asang dun makakakuha. Sabi ng gwardya, wala naman daw kuhanan ng NBI clearance dun. Pag-uwi ko sa bahay, chineck ko sa Internet, at totoo ngang wala sa Megamall.

February 7. Mandaluyong City Hall.

08:00 – Pagdating ko sa city hall, ubos na raw yung forms. Bumalik na lang daw ako bukas.

February 8. Mandaluyong City.

05:21 – Gumising ako kahit tatlong oras pa lang ang tulog ko.

05:44 – Naligo, syempre.

06:15 – Dumating sa city hall at pumila para sa form na abot na sa second floor, dun sa paradahan ng sasakyan.

07:45 – Nabigyan ako ng form.

08:00 – “Breakfast” (Warning: Cigarette smoking is dangerous to your health.)

09:13 – Dumating na sa window 1 para magbayad ng P115.

10:00 – Habang nasa pila, may isang babaeng naubos ang pasensya at sinugod ang lalaking government employee na tagaayos ng pila. Libreng telenovela sa umaga.

10:21 – May bungangerang ale sa likod na nagsasalita about sa fixer, sa virginity, sa buhay, etc. Kinaibigan sya nung mga lalaking nakapila.

11:07 – Napunta sa window 2 para sa encoding ng sinagutang form.

12:10 – Napunta sa biometrics window para sa fingerprints at para sa photo.

12:15 – Natapos sa pila pero di ko nakuha yung NBI clearance. Tangina lang talaga. Pinababalik pa ‘ko on March 1.

Mga Ginawa Ko Para Malibang

  • Nakinig ng mga kanta ni Ed Sheeran hanggang malobat ang cellphone.
  • Nagbasa ng libro tungkol sa mga Igorot.
  • Naghanap ng mga bagong crush. May 2 akong nakita.
  • Tiningnan kung maganda ang sapatos na suot ng mga nakapila.

Requirements Kapag Kukuha ng NBI Clearance

  • Magdala ng bolpen para di na bumili.
  • Magdala ng 2 valid IDs.
  • Magdala ng cedula (for peace of mind).
  • Magdala ng at least P150 dahil hiwalay na babayaran pa ang pag-print ng mismong cleareance. (Pangmeryenda siguro ng mga government employees.)
  • Magdala ng pamaypay.
  • Magdala ng sariling inumin.
  • Magdala ng makakain. (Kare-kare with bagoong is not advisable.)
  • Magbitbit ng mahabang pasensya. (Kung ikukumpara sa haba ng buhok, dapat mula puyo hanggang Baguio.)

Tip: ‘Wag na ‘wag mong ipapangalan sa ‘yo ang anak mo kung ayaw mo syang mahirapan sa pagkuha ng NBI clearance in the future.

Sobrang tagal tapos wala naman akong napala. Na-high blood lang ako. Napa-absent pa ‘ko ng di oras na dapat sana e ile-late ko lang. Bwisit talaga! Curse the system. Bulok! Nakakahiya! It’s sooooo Third World!

Solusyon:

  1. Lagyan ng NBI satellite office ang lahat ng municipal at city hall sa Pilipinas, pati na rin sa lahat ng malls sa bansa.
  2. Alisin na ang NBI clearance as requirement for employment, passport, etc.