Tumatanggap po ako

by Sankage Steno

Nagulat ako nang slight dun sa isang blog na hinahangaan ko. Nakita ko kasi sa gilid ng site nya na may button for a donation, tapos kadikit nya yung iba’t ibang klase ng cards na pwede mong magamit sa pagdo-donate.

Napaisip tuloy ako: Pwede pala ‘yon? And why not? E ganun din naman kung kumikita yung Wikipedia. Naiinggit tuloy ako nang bahagya. Magkano kaya ang kinikita nya dun? Meron kaya talagang nagdo-donate sa blog nya? At bakit naman sila nag-aabuloy? Para ipagpatuloy ni blogger yung pagba-blog nya?

Ang weird.

Pero di naman masama sa tingin ko. At lalong di na masama kung walang tax, syempre donation nga e. Ang alam ko, lahat ng donation e walang tax. Paki-correct ako sa information na ‘to kung nagkakamali ako. Ayoko namang magpalaganap ng maling impormasyon.

Siksik

Hindi ko naman alam kung pa’no yung PayPal na ‘yan saka kung pa’no magkakabit ng kung anik-anik sa blog ko. Nakalimutan ko na yung programming skills ko. Naiwan lahat sa high school classroom ko, to think na nanalo pa ‘ko noon ng first place sa computer quiz bee. Those were the days.

So ngayon, kakapalan ko pa lalo yung makapal ko nang online face. Kung dati e 100GB lang ang kapal ng mukha ko sa Internet, ngayon e ia-upgrade ko na sya sa 1TB. Manghihingi na rin ako ng donasyon sa inyo.

Liglig

Ayokong ibigay dito yung number ng card ko, pati na rin yung account name ko. Hindi pa rin kasi lahat ng tao e alam yung tunay kong pangalan, at ayokong ipaalam kasi baka sumikat ako nang todo. Mawawalan ako ng privacy. Hahabulin ako ng mga paparazzi. E ang pogi ko pa naman masyado. Hindi ko kakayanin yun.

Ayun.

Kaya para sa mga maraming surplus na pera dyan, tumatanggap po ako ng abuloy in cash or gift certificate. Pwede na rin in kind basta mamahalin. Ayoko pong tumanggap ng mura at konti. Marami kasi akong gustong pagkagastusan. Gusto ko ring pumunta ng United States para gumaling ako sa English. Tapos babalik ako ng Pilipinas para maging call boy sa call center.

Kailangan ko rin ng pera para makabili ako ng ka-date sa Valentine’s Day. Parang awa niyo na, pakiligin nyo naman ako. Sa ihi lang ako ako kinikilig. Minsan wala pa.

Umaapaw

Kaya, please lang, bigyan mo ako ng abuloy. I-email mo lang ako kung interesado kang mag-donate sa ‘kin. Ito po ang email address ko: snap2104@yahoo.com. Dyan na lang tayo mag-usap. Don’t worry, pwedeng mag-haggle. Mapag-uusapan natin ang presyo ko.

Image