Sino ang susunod na Pope?

by Sankage Steno

Una muna, gusto kong sabihin na dapat mabigla tayo sa ginawang pagre-resign ni Pope Benedict XVI. Bakit? Kasi in almost 600 years, ngayon lang ulit may nag-resign na Pope (at hindi dahil sa pulitika). Walang sinumang nabubuhay ngayon ang nakakita sa huling nag-resign na Pope.

Isa pa, yung sinundan nya, si Pope John Paul II, kahit uugud-ugod na, kahit hindi na makapagsalita nang hindi tumutulo ang laway, kahit hindi na makatayo nang diretso, e iginapang pa rin ang pagiging Pope hanggang sa kanyang kamatayan.

For now, I’ll take the Pope at his words. Maniniwala ako na talagang old age at deteriorating health ang dahilan kung bakit sya nag-quit. I’m sure maraming detalye, kuru-kuro, opinyon at conspiracy theories pa ang lalabas sa mga susunod na araw. Sikat na naman ang Catholic Church ngayon.

Ang malaking tanong ngayon ay yung pamagat ng blog entry ko.

May mga balita na about sa mga hula kung sino ang susunod na Santo Papa. Nangunguna syempre ang New York Times dyan. Ito yung link sa article nila: Pindot. Kung tinatamad kang magbasa ng iba, o kung ayaw mong puro English ang binabasa mo, ituloy mo na lang ang paggulong ng mata mo sa blog ko.

Pinoy Papa

Syempre, for more, gusto kong Pilipino naman ang sumunod na maging Pope, kahit hindi naman ako makikinabang dito. Gusto ko lang na hindi European ang mamuno sa 1.1 billion Catholics sa mundo. Maiba naman. Dapat manggaling naman sa mahirap na bansa, para alam talaga ng Pope kung ano ang kahirapan o kung ano ang ibig sabihin ng salitang “poor” at “humble.”

Sa ngayon kasi, puro galing sa mayayamang bansa pa rin ang nakikinitang susunod na Pope. Konti lang yung galing sa third world country. Ito yung mga hitsura nila:

Clockwise mula sa itaas na kaliwa: Cardinals Cristoph Schonborn of Austria; Angelo Scola of Italy; Marc Ouellet of Canada; Francis Arinze of Nigeria; Peter Appiah Turkson of Ghana; Timothy Dolan of the United States.

Tandaan natin ang mga mukha at pangalan nila. Kung napansin nyo, may dalawang taga-Africa na napasok. It’s a good sign. May haka-haka rin na baka taga-Latin America ang susunod na Pope. Pwede rin kasi pa-southward ang evangelization/expansion ng Catholic Chuch ngayon. Medyo nawawala na kasi ang impluwensya ng Simbahang Katolika sa lumalaganap na secularism sa Western countries. Which is also good, I think.

Itim na Papa

If ever sa Africa manggaling ang susunod na Santo Papa, historic ‘to. Bukod sa unang African Pope, tatagurian din syang first Black Pope. Parang sina Kofi Annan lang sa United Nations at si Barack Obama sa United States. Bida talaga ang mga itim ngayon. Nakakatuwa lang isipin.

Here’s another story na pwede mong basahin for more: Pindot.

Kung mangyaring sa Latin America magmumula ang susunod na Pope, OK lang din naman sa ‘kin. Nakikini-kinita ko nang dadami lalo ang piyesta sa Pilipinas at sa buong mundo. Every week o every day siguro e magkakaroon ng a la Mardi Gras na celebration in honor of this or that saint. Ang saya! Pero ang gastos.

Imagine this happening daily kung meron na tayong Brazilian Pope:

Pero kahit sino pa ang iboto nila, ang imaginary, non-existing vote ko pa rin as next Pope ay mapupunta lamang kay Luis Antonio Cardinal Tagle.

Papa Tagle

Hindi kami close. Di kami magkakilala. Ang pinaka-close encounter ko na sa kanya e nung mag-cover ako ng event sa Cavite at sya yung guest of honor. Di pa sya naa-appoint as cardinal nun, pero sure nang sya ang susunod kay Cardinal Sin. So dahil lang dun, gusto ko na? Oo at hinde.

Anyway, malabong sya kasi bago pa lang syang cardinal at hindi naman ganun kalakas ang impluwensya ng third-world Philippines sa Vatican. I don’t think din naman na ready na si Tagle. At kung maboto man sya, na 0.01 percent ang chance, e baka tanggihan din nya. Yun ang nakikita ko sa kanya.

Pero kung sya nga (kulit ko din), imaginin mo, hahaba lalo ang celebration ng Christmas. At hindi lang sa Pilipinas, baka maging sa iba pang Christian nations. O di ba ang saya? Pero ang gastos-gastos din.

Basta ang wish ko sa susunod na magiging Pope, kahit alam kong suntok sa buwan ‘tong nais kong mangyari, sana siya ay maging open-minded at even-handed.

I thank you. Amen.