Ang Iyong Kapalaran sa Araw ng mga Puso

by Sankage Steno

Magaling akong manghula. Nasa balat ko ang swerte. Kaya magbibigay ako ng payo at patnubay sa mga nagnanais malaman ang kanilang kapalaran bukas, Pebrero 14, ang natatanging araw ng mga puso.

Aries (March 21- April 19) – Virgin ka pa ba? Kung oo, magpakipot ka pa lalo sa katipan o ka-date mo. Mataas ang presyo mo kaya ‘wag ka basta-bastang bibigay sa hindi mo mahal o hindi ka mahal. Kung hindi ang sagot mo, sugod kapatid! Lucky color: white. Lucky numbers: 6, 9, 10, 20, 30, 40.

Taurus (April 20 – May 20) – Malas ka bukas. Pero the week after that, suswertehin ka na. Kaya ‘wag ka nang mag-abala pang gumastos bukas, sayang lang. Kung ako sa ‘yo, bibili na lang ako ng butternut sa Dunkin’ Donuts saka C2 Green Tea at sasalpak sa damuhan ng Burgos Circle habang nanood ng mga tao. Lucky color: green. Lucky numbers: 7, 14, 21, 28, 35, 42.

Gemini (May 21 – June 20) – Hiwalayan mo na kasi ‘yang kinakasama mo. Tingnan mo nga ‘yang sarili mo sa salamin. Simula nung naging kayo, ang laki na nang ipinangit mo. Asan na yung varsity player na habang pinagpapawisan e lalong lumalakas ang sex appeal? Di ko na makita sa ‘yo yun ngayon. Lucky color: maroon. Lucky numbers: 1, 19, 25, 33, 39, 45.

Cancer (June 21 – July 22) – Pokpok ka! Kung kani-kanino ka sumasama. Buti sana kung wala kang karelasyon ngayon, mas tanggap pa. E ang kaso, lima silang pinagsasabay-sabay mo. Mahihiya sa ‘yo kahit si Ramon Revilla Sr., pero baka magkasundo kayo ni King Solomon. Itong martilyo, pukpok mo sa ulo mo ‘pag di ka pa rin naglubay. Lucky color: periwinkle. Lucky numbers: 2-timer, 3-timer, 4-timer, 10-timer, 12-timer, 15-timer.

Leo (July 23 – August 22) – Kung ililibre mo sya sa Mesa o kaya sa Via Mare o sa Red Crab bukas, after ng dinner magiging kayo na. Kung sa 39er lang ng Jollibee mo sya ililibre, mabuti pang ‘wag na kayong mag-date. Mapapahiya ka lang. Kung bakit naman kasi sa alta/sosyal ka pa nahulog. Di telenovela ang real life. Tanga. Lucky color: tangerine. Lucky numbers: 11, 22, 33, 44, 47, 49.

Virgo (August 23 – September 22) – Hindi ako naniniwalang virgin ka pa kaya be proud kahit may nakauna na sa ‘yo. Virginity is so overrated. Basta i-enjoy mo lang ang sex at maging responsable. Kaloob ‘yan ng Diyos sa tao (at sa hayop). Karapatan mong lumigaya. O, tuwad na. Lucky color: red. Lucky numbers: 8, 16, 24, 32, 40, 48.

Libra (September 23 – October 22) – Habulin ka, I know. Pero timbangin mong mabuti kung sino ang sasagutin mo: yung mayamang bobo o yung matalinong hampas-lupa? Yung pangit pero may sense of humor o yung good-looking pero walang sense? Yung magaling sa kama pero walang trabaho o yung mahina ang tuhod pero may trabahong stable? Lucky color: yellow. Lucky numbers: 3, 9, 18, 23, 31, 34.

Scorpio (October 23 – November 21) – Laging magdala ng proteksyon. Alam kong napakahilig mo, at talagang nature mo na ‘yan. Tigilan mo na ang paggamit ng supot ng ice candy. Mahiya ka naman sa ikinakama mo. At lalong ‘wag na ‘wag mong magamit ‘yang straw ng Zesto. Butas dulo n’yan. Obvious pa ang size mo. Lucky color: blue. Lucky numbers: 2, 4, 6, 8, 10, 12.

Sagittarius (November 22 – December 21) – Kung madali kang hingalin sa pakikipagniig, may solusyon dyan. Either dahan-dahanin mo ang pag-araro o tigilan mo na ‘yang paninigarilyo mo. Akala mo sa baga lang ang epekto ng sigarilyo mo? Wrong! Pati sex life mo apektado. Lucky color: brown. Lucky numbers: 13, 14, 24, 29, 30, 37.

Capricorn (December 22 – January 19) – Dahil mahilig kang ngumata ng bubble gum, use it to your advantage. Habang ngumunguya nyan, pumwesto ka sa may Kalayaan Ave. o sa Malate. Magsuot ng revealing clothes at titigan ang lahat ng matitipuhan mo sa daan. Huwag kang papayag na pang-almusal lang ang ibabayad sa ‘yo. Lucky color: pink. Lucky numbers: 15, 21, 26, 29, 40, 44.

Aquarius (January 20 – February 18) – Sa Ayala Malls ka makipag-date, ‘wag sa SM. Baka kasi makita ka ng mga katrabaho mo sa department store. Nakakahiya. Malalaman nilang umabsent ka, at pagdududahan nila kung sa’n mo nakuha ‘yang pang-date mo e yung sweldo n’yo naman sakto lang pamasahe para makapasok kinabukasan sa trabaho. Lucky color: gray. Lucky numbers: 4, 8, 12, 16, 20, 24.

Pisces (February 19 – March 20) – Uulanin ka bukas kaya magdala ng payong bago umalis ng bahay. Kapag umulan na, may makikisilong sa ‘yo. Kaibiganin mo, kunin ang number, at i-add sa Facebook. May syota-material ka na, meron ka pang bagong mayayaya sa networking scheme na pinasok mo. Swerte mo. Lucky color: violet. Lucky numbers: 1, 2, 3, 4, 5, 6.