Sensui

by Sankage Steno

Kausap ko ngayon yung pitong katauhang nagpapalit-palit sa katawan ko, at dahil gloomy ang paligid sa labas, medyo gloomy rin yung topic na pinag-uusapan namin. Ibabahagi ko sa inyo yung ilang napag-usapan namin.

Sankage Steno 1: What is going to happen after we die?

SS 2: Tanong mo sa lolo mong panot!

SS 3: Mapupunta tayo sa langit o sa impyerno.

SS 4: Hindi ako naniniwala sa langit at impyerno. Mawawala na lang tayo, poof! Tapos.

SS 5: …

SS 6: Yung kaluluwa natin e magiging pagkain ng Diyos, tapos lalong lalakas ang powers nya, tapos gagamitin nya yun para gumawa ng bagong universe na mas perfect sa universe natin ngayon.

SS 7: Maagnas tayo at papangit, tapos magiging pataba sa lupa o pagkain sa mga uod na may limang puso.

Sankage Steno 1: What is love? 

SS 2: Pake ko dyan? I don’t care about love. 

SS 3: Love is a chemical reaction daw, pero tingin love yung pagtitimpla mo sya ng kape kahit sinukahan ka nya dahil lasing sya.

SS 4: Walang love. It’s only a product of our imagination. Mas naniniwala pa ‘ko sa lust kesa sa love.

SS 5: um…

SS 6: Ang love e kapag nakaupo ka sa inodoro, tapos hindi ka matae kasi constipated ka. Tapos ang sakit-sakit na ng anus mo, tapos diring-diri ka na sa sarili mo jerbax, tapos maiisip mo yung isang tao at matitis mo ang lahat. Yun, love yun, pramis!

SS 7: Love yun kapag yung ka-sex mo e hindi ka binayaran o hindi mo binayaran, tapos hindi ka nakonsensya after nyong mag-sex, tapos nung nabuntis sya o ikaw, pinanagutan mo o pinanagutan ka nya, tapos walang pilitang nangyari, tapos tumanda kayong magkasama.

Sankage Steno 1: Bakit ako lang ang nagtatanong?

SS 2: Ewan ko! Bakit ako tinatanong mo?

SS 3: Ayan, nagtanong ka na rin. Hindi na valid sabihin na si SS 1 lang ang nagtatanong.

SS 4: Kasi ikaw ang may kontrol ng katawan natin ngayon. Nasa subconscious lang kaming anim, tumatambay muna.

SS 5: ahh…

SS 6: E kasi may lamok na nakadapo sa tenga mo at sinusulsulan ka ng kung anu-anong bagay. Ikaw naman, tanga, nakikinig ka at sinusunod mo yung lamok. Feeling mo kasi konsensya mo yung bumubulong sa ‘yo.

SS 7: Kasi ikaw ang mas nakakaalam sa ating lahat. Leader ka namin e kaya ikaw lang ang nagtatanong. Try mo kayang gawin akong leader para ako naman ang magtatanong.

Sankage Steno 1: Wag nga kayong epal! Ang dami nyong alam! Hindi ko kayo nilalang para pakialaman ang buhay ko. Andyan kayo para libangin ako. Sige, sumayaw kayong lahat! Libangin nyo ‘ko!

SS 2: Itong utot ko, amuyin mo!

SS 3: Ano pong sayaw gusto nyo? Dati po akong tagabuhat ng babae sa cheerleading e. Gusto nyo pong pabuhat?

SS 4: Gagawin ko lang ‘yan kung bibigyan mo ‘ko ng roundtrip tickets sa Batanes. Hindi kita isasama. May iba akong isasama dun.

SS 5: ano…

SS 6: Tatarin! Wooh! Tatarin! Kailangan ko ng punong sasayawan! Sasayaw ako dun para magkaanak! Dun sa balon! Lilitaw ako dun, tapos didiretso sa puno. Dudukutin ko yung mata ko tapos ikakabit ko sa puno. Pareho na kaming magkakakitaan habang sumasayaw!

SS 7: Pwede ba kitang isayaw? Naiilang ako ng sumayaw nang ako lang e.

Sankage Steno 1: Bakit?

SS 2, 3, 4, 5, 6, 7: BAKIT HINDE?