Timbalista: O kung pa’no mabuhay bago mamatay

by Sankage Steno

Namatay na naman ako sa panaginip ko kagabi. Hindi ko na maalala yung detalye pero alam kong namatay na naman ako, at nung alam kong patay na ‘ko, saka ako nagising. Medyo nakontrol ko pa naman na gisingin ang sarili kaya buhay pa rin ako at nakakapag-blog. Yehey!

Pero kung senyales man ito na mamamatay na ‘ko, kailangan siguro ay ituloy ko na ang pagpapatupad ng aking timbalista. May nagawa na yata akong ganito noon pero luma na yun; eto na ang bago kong listahan.

  • Ma-in love ulit. Matagal na rin nung huli akong na-in love. Nakakamiss din pala ang feeling. Sa ihi na lang kasi ako kinikilig. Saka kung mahuhulog ulit ako sa ibang tao, sana deserving na sya at sana deserving din ako sa kanya. Saka gusto ko yung crazy in love na you and me against the world ang drama… or not.
  • Pumunta sa Batanes. Ito ang ultimate destination ko na nais mapuntahan dito sa Pilipinas. Ang mahal kasi ng pamasahe. Gusto ko sanang mag-road trip papunta rito kaso wala naman akong alam na ganun. Kapag napuntahan ko na ito, paghahandaan ko naman ang paglilibot sa buong mundo.
  • Maisulat ang pamatay kong nobela. May natapos na ‘kong isa pero di naman sya pamatay. Katuwaan lang. May nasimulan akong dalawa pang iba pero di ko matapus-tapos. Lagi akong nawawala sa momentum. Sana saniban ulit ako ng muse of writing saka ng adik na multo para maisulat na ‘to.
  • Magkaroon ng bahay sa bangin, tanaw ang dagat. Gusto ko kasi ang combination ng bundok at dagat. Nakakatakot sila pareho pero nakakamangha. Kung dun ako titira, sigurado akong di ako mauubusan ng creative juices. Saka napaka-romantic nya ‘pag gabi at walang unos. Katakot naman ‘pag may lindol o bagyo.
  • Umaresto ng kriminal. Pero bago ko sya maaresto, gusto ko e bubugbugin ko muna sya at patutumbahin hanggang sa magmakaawa sya sa ‘kin. Dahil sa sobrang sama ng ginawa nya, hindi ko mapipigilan ang sarili kong saktan sya. Hindi ko sya mapapapatay. Darating ang mga pulis bago mangyari yun.
  • Iligtas ang mundo sa isang sakuna. Pangarap kong maging real-life hero. Pero dapat on a global scale yung pagiging hero ko. Tapos ang gusto kong mangyari, kapag nailigtas ko na yung mundo, hindi ako mare-recognize na ako yung nagligtas sa earth. May isa o dalawang tao lang na makakaalam ng totoo at irele pa sila.
  • Mag-suicide. Yung heroic type. Ang mangyayari, ililigtas ko ang isang tao o kahit marami pa sila. Tapos ang tanging paraan lang para mailigtas ko sila e kung iaalay ko ang sarili kong buhay. At dahil gusto ko ngang maging hero, magko-commit ako ng suicide, at maliligtas ko siya/sila. The end.