Alas Tres y Media

by Sankage Steno

Sa mga lilim

Ng akasya sumisilong.

Gabutil

Na pawis ay swak sa noo.

 

Kapaligiran

ko ay minasdang maigi.

Inalam,

Kalagayan ng paligid.

 

May nanghaharot

Na bubuyog sa bulaklak.

Dadapo,

Sisipsip, saka lilipad.

 

Langgam sa lupa

Walang himpil sa trabaho.

Umilag

sa hiya, aking kamao.

 

Mata’y tinamad,

Napapikit sa pagbigat.

Biglaang

Nagising nang matanaw ka.