Zubu

by Sankage Steno

Sorry hindi ako nakapag-blog kahapon. Sinulit ko na kasi yung buhay ko dahil akala ko ikamamatay ko na ang pagkain ng lechon sa Cebu. At hindi lang basta lechon ‘to ha, ito lang naman ang tinagurian “Best pig ever” according to Anthony Bourdain.

Sino si Bourdain? GMG.

Ang lechon na kinain ko lang naman ay yung Zubuchon na sobrang sikat na ngayon, at feeling ko e talbog na nya ang CnT pagdating sa popularity. Pero nararamdaman kong mas kilala pa rin ng mga Pilipino ang CnT. Anyway, bahala na kayo sa competition, basta masarap sila pareho kahit pa walang sarsa, period!

Ang ironic ng huli kong sentence ‘no? Period daw pero exclamation point yung ginamit kong tanda. Masabi lang.

So ayun nga, syempre nagpa-picture muna ako sa restaurant nila. Very turista lang ang peg. Tapos nagpa-picture din ako sa mismong patay na baboy. I’m so sorry mga baboy but you’re so sarap kasi, despite sinful ka at bawal sa ‘kin dahil ma-cholesterol.

Mabait naman yung mga nagtitinda kasi binigyan kami ng sample nung balat. Ay, heaven talaga. Sobrang malasa at malutong. Wala ka nang hihilingin pang iba. Yes, O.A. na ‘ko. Sobra na. Hindi na objective yung review. E pake mo?! Ayan, umandar na naman ang pagiging bipolar ko.

Pero sa taste ng zubuchon, hindi ako bipolar. Kahit sinong personality pa ang sumulpot sa pagkatao ko, isa lang ang masasabi naman: SARAP! Pero bakit masarap? Well, nasabi ko nang malasa at malutong yung balat, which is kinda expected na naman. Ang isa pang ikinagimbal ng taste buds ko e yung fact na ang lambot ng laman at ang creamy. Milky pa nga e.

Wala yung sumasabit sa ngipin dahil sobrang kunat ng laman o dahil undercooked. Ito talaga cooked to perfection. But wait, there’s more! Ang lechong ito e boneless. Di gaya ng iba na tinutuhog at nilulutong may buto, yung zubuchon e kinalasan na ng kalansay, pero hindi naman nag-suffer yung lasa. At tantsa ko pa, mas konti yung taba nya kasi tinanggal na rin yata yung extra fat sa balat at laman ng baboy.

Hanep!

Medyo may kamahalan nga lang ang zubuchon pero sulit naman. For one kilo, P530 ang presyo nya sa ngayon. Ewan ko lang ‘pag peak season o ‘pag panahon ng Sinulog. Tapos sabi nila, sa airport daw e may dagdag ng P20, pero ayos lang kasi ready na sya for hand carry sa’n ka man sa mundo papunta. Balak ko ngang bumili mamaya e bago lumipad pabalik ng Maynila.

Hay, ito talaga ang buhay. At ito talaga ang Pilipinas. Sobrang panalo sa pagkain pa lang. I’m so lucky to be born and to live in the most beautiful and most delicious country in the whole world (and universe)! O.A. ko na talaga.

https://i0.wp.com/www.marketmanila.com/wp-content/uploads/2012/06/139.jpg