Moving on

by Sankage Steno

Back to reality ako ngayon, kaya same routine ako kaninang umaga papasok sa opisina. On my way, may nakasalubong akong mama na mukhang a) unemployed, b) mandurukot or c) takatak boy. Sobra lang akong manghusga. Ansama-sama ko na talaga.

Walang ginawa yung mama, pero may ginawa sya. Wala nga syang ginawa, pramis. Nataon lang na nagsuot sya ng statement shirt na, syempre, binasa ko kahit wala akong balak basahin. Kulay brown yung shirt and in big bold sans serif letters, nakasulat dun na “Never give up… forever.”

Paglagpas na paglagpas ko sa mamang ‘yon, biglang bumigat yung mata ko. Tapos, kahit di sinasadya, nanlabo at bahagyang humapdi dahil sa pagpipigil na ginagawa ko. Sabi ko pa sa sarili ko, ‘wag naman dito. Ayun, di naman nga doon. Hindi naman natuloy ang dapat na mangyari. Napigilan ko naman.

Strong.

Kamukha kasi ng shirt nung mama yung regalo ko sa tita ko nung Pasko. After a week, sa mismong New Year’s Eve, namatay sya. Di ko pa ulit nakikita yung shirt na binigay ko sa tita ko. Baka natabunan na sa mga naiwan nyang damit.

Nakapagmunimuni na naman ako tungkol sa buhay-buhay. Sabi ko, dahil hindi na ‘ko naniniwala sa heaven and hell, it follows na hindi na ‘ko naniniwala sa life after death. Nung bata ako, takot na takot ako sa konsepto ng eternal life. I mean, takot akong mamatay pero mas malaki ang takot ko sa everlasting life.

Ang tanong ko lagi sa sarili ko since childhood, anong gagawin ko forever?

At lulutang na yung isip ko papunta sa eternity hanggang sa matakot at ma-depress ko ang aking sarili. Ang adik ko lang nung bata ‘no?

Naisip ko ngayon, hindi naman ako natatakot kung sakaling wala ngang afterlife. In fact, parang mas malaya at magaan ang pakiramdam ko ngayon, thinking na ito lang talaga ang buhay ko at wala nang iba. Mas pinahahalagahan ko ngayon ang bawat sandali, bawat mahal ko sa buhay at ang aking sarili mismo dahil hindi ako naniniwalang may isa pa ‘kong buhay ‘pag namatay ako.

Naisip ko rin, kung naniniwala ka sa life after death, then that’s good. Pero kung maniniwala ka na walang life after death, I think it’s better. Kasi you get to appreciate life more. Mas mamahalin mo ang sarili mo pati na rin lahat ng nakapaligid sa ‘yo. Ang effect ng paniniwalang ‘to sa ‘kin e mas naging grateful at appreciative ako sa buhay. And I think it keeps me patient and kind na rin, in a way.

Pero kanya-kanya pa rin ‘yan. I’m just sharing my insights. If it makes you a better person to believe in the afterlife, then by all means believe. Wala naman talagang nakakaalam ng katotohanan. I know no one who came back from the dead para sabihin ang mangyayari kapag pumanaw ka na. At ‘pag nawala naman tayo, everything moves on and on and on.