SS Boomerang

by Sankage Steno

Image

Nakikita nyo ba ang picture na ‘yan sa taas? Pinrint screen ko lang ‘yan sa Facebook account ko para 1) magmayabang na naman, 2) mailagay dito sa blog ko at 3) makita ang geographical footprint ko sa mundo.

For more yabang, lahat ng tatlong lugar na ‘yan na may pointer e napuntahan ko in a span of one week. Sa tatlong trips ko na ‘yan, isa lang talaga ang planado; yung dalawa e biglaan lang at (natutuwa akong sabihin na) hindi ko pinagkagastusan.

Bale work-related yung sa Hong Kong at sa Cebu. Yung sa Sagada e more on pleasure, although medyo related din sa trabaho dahil nag-deliver ako ng magazine dun sa isa naming napuntahan dun.

Naisip ko lang, nakakatakot na pala ang technology ngayon kasi nata-track na kung asang lupalop ako ng daigdig. Well, conscious effort naman yung paglalagay ko ng lugar dun sa mga photos na ina-upload ko online pero kung tutuusin, andun pa rin yung kakayahan ng teknolohiya ngayon na tukuyin kung asan ka nga. At di biro yun.

Dalawang Talim

Double-edged sya: pwedeng ma-locate ako ‘pag nawawala at pwede ring ma-locate ako ‘pag pinaghahahanap ng awtoridad. Katakot lang.

Pa’no na lang kung maisipan kong sumali sa royal army ng isang sultan o maging pilot ng drone ng isang mayamang bansa o kung sakupin ko ang mga isla ng isang developing country? Mahihirapan na ‘kong gawin ang mga ‘to for sure.

At napansin nyo rin ba? Parang triangle yung shape ng mga locations na napuntahan ko recently. At kung ikokonek the dots natin, papasa syang imahe ng isang boomerang. Syempre, dahil wala akong magawa sa buhay ko, bibigyan ko na lang ng meaning yung shape nya.

Babalik ka rin

Kaya sya hugis boomerang e dahil yung mga travels ko ay bumabalik. For example, yung sa Cebu e second time ko na, samantalang yung sa  Sagada e panlima ko na. At kahit ga’no ako kabilib sa mga lugar na napupuntahan ko, gustung-gusto ko pa ring bumabalik sa Pilipinas at sa bahay namin sa probinsya at sa Maynila. There’s no place like your own place, ika nga.

Isa pa, boomerang sya kasi sinisimbolo nya na pwedeng mag-backfire ang mga travels ko. Like yung sobrang pagkapagod ko dahil sa sunud-sunod na lakwatsa, pati na rin yung mga nararamdaman ko na sa katawan dahil sa pagpush ko to the limits. Aba, hindi ako forever 21. Ilang taon na lang at mawawala na ‘ko sa kalendaryo.

Pero bago pa mangyari yun, alam kong aalis at aalis pa rin ako sa kinaroroonan ko ngayon. At kahit sa’ng lupalop pa ‘ko ng universe mapunta, I promise na babalik ako kung sa’n ako nanggaling.