Wine Up, Wine up (Ooh Yeah!)

by Sankage Steno

ImageIniimbitahan ko ang mga kaibigan at kasama ko sa bahay na samahan ako sa aking event na tinagurian “Wine Appreciation Night” mamayang gabi, alas-7 hanggang sa malasing po tayong lahat, sa ating tahanan.

Wala lang, wala akong magawa sa mga natatanggap kong wine tuwing may event na pinupuntahan. Hindi naman ako collector at mas gusto ko naman ang beer. Para hindi masayang ‘tong mga pinagbibibigay sa ‘kin, magpapainom na lang ako.

Kaya mga housemates and friends, kilala nyo na kung sinu-sino kayo, walang aalis o matutulog hanggat hindi umiinom ng dala kong wine. Hindi naman ‘to kasosyalang alak hano. Commercial red wine lang ‘to at hindi pang-collector. Ayoko lang iuwi pa sa probinsya at marami pa ‘kong nakatambak dun.

And don’t worry. May iba pa ‘kong ibibigay maliban sa red wine. Maglalabas din ako ng strawberries na galing sa Baguio, freshly picked, at ng oatmeal bars kapalit ng cake na karaniwang ka-partner ng red wine. Tapos mayroon din akong dried plum na, I think, maganda rin kapareha sa pulang alak.

Sana ay matanggap ninyo itong paanyaya ko bago pa mahuli ang lahat. Anyway, magkikita-kita naman tayong lahat sa bahay mamaya kaya wala rin kayong kawala kahit pa di ninyo ‘to makita.

Basta ang hiling ko lang, tulungan n’yo akong mapakinabangan ang mga wines na ibinibigay sa ‘kin. Sige, kayo rin, baka maunahan kayo ng iba kong kakilala na adik sa kahit anong may alcohol… kahit pabango.

Cheers to our friendship and to a better life ahead of us all!