Tamad po ako

by Sankage Steno

Madalas kasi na kung ano yung nakagawian mo nung bata ka pa e madadala mo hanggang sa paglaki.

Halimbawa na lang, nung bata ako, lagi akong tinatamad gumawa ng assignment, tumapos ng project at mag-review para sa exam. Pinakaayaw ko talaga yung huli, especially nung college. Gusto ko e maglaro lang agad ng PlayStation o DotA; kaya ang ginagawa ko, tinatapos ko lahat pagdating sa bahay o ‘pag Friday pa lang para pagdating ng weekend, puro laro na lang ako.

Ganun din ako sa trabaho ko ngayon. Talent ko na talaga noon pa ang magsulat… magsulat nang mabilis. Impak, itong mga blog entries ko e natatapos ko ng 15 minutes or less, kasama na ang research dun o pag-Google. Sa work ko ngayon, medyo matagal ang pagsusulat ko at pag-edit, kasi gusto ko maayos ang trabaho ko, pero mabilis pa rin naman kung sa standard ng iba.

At dahil natatapos ko agad ang trabaho ko, marami akong idle time. Syempre kapag idle time, nagbabasa-basa ako o nagba-browse ng kung anu-anong site. Kaya lumalabas ngayon, wala akong ginagawa.

Ang tanong, tamad ba ako?

Oo.

Tamad ako kasi tinatapos ko agad yung trabaho ko para wala na akong gawin. Para hindi ako matabunan ng gawain. Efficient akong magtrabaho. At hindi lahat ng tao naiintidihan ang konsepto ng efficiency. The same way na maraming tao ang hindi nakakaintindi sa computer programming.

Inaamin ko naman na kaya ko tinatapos agad yung trabaho ko e para wala na akong alalahanin, na para nga hindi na ako magtrabaho. Tamad talaga ako in essence. I work hard, of course, pero I know how to work smart din. At dun nagkakatalo madalas.

Sabi nga ni Anonymous, ang pinakapaborito kong writer (na baka i-blog ko rin some other time), “Efficiency is intelligent laziness.” Thank you very much.

So ano ang solusyon para hindi ka isipan ng magulang mo o teacher o boss na walang ginagawa o tamad?

Edi busy-busyhan kunwari.