King of My World

by Sankage Steno

ImageSobrang salamat po, God, dahil pinagbigyan nyo ‘ko sa pangarap kong magawa yung pose na ‘to: 

OK lang kahit hindi sya sa barko, at least sa yacht man lang naging totoo sya for me. Akala ko talaga sa movie lang sya posible. Grabe, nakakaiyak.

Wait lang, please give me a moment of online silence. Iiyak lang ako.

Thank you so much, ha. Di mo ‘ko pinahiya. I’m just so overwhelmed. I didn’t expect to win this award. I wanna thank my director, my producer, my manager, my P.A. and, of course, my family and friends. This wouldn’t be possible without your love and support.

Feelingero ko talaga.

Nahahawakan nyo na ba yung mukha ko dyan sa kinalalagyan nyo? Kapal no? Sarap sapakin. OK, fine, dahil masaya ako ngayon, I’m giving you the chance to hurt me. This is a once-in-a-lifetime opportunity. Binibigyan ko kayo ngayon ng pagkakataon na bigyan ako ng isang tumataginting na virtual slap sa mukha.

Ready? On three. 1… 2… 3!

Virtual OUCH!

Ayan a, nakaisa ka na. Di na mauulit ‘yan. Or not. Baka ‘pag nagawa ko sya sa Titanic 2 mismo, pagbigyan ko ulit kayo. Or baka hindi na virtual slap, baka virtual kick naman sa ass. I’ll think about it. Sana mapagbigyan ulit ako ni God. I’m not asking, pero I’m sincerly hoping. Sana talaga.

Kaya nga pala natupad ang pangarap kong ‘yan e dahil sa coverage ko kanina ng Sea-Ex 2013, the premier nautical lifestyle summer expo, sa One Esplanade sa may SM Mall of Asia compound. Punta ka rin. Hanggang sa Linggo pa sya, March 17.

Bukod dyan, na-try ko ring maging Legolas for a few moments. Meron kasing archery chu-chu dun. Saya! Kaso di ko matamaan yung moving target. Hirap pala. Sa tabi naman nun e may exhibition ng Land Rover. Gumawa sila ng obstacle course na daraanan nung sasakyan. Wala syang sinabi sa sand dune experience ko sa Paoay pero ayos na rin.

Hay… sobrang achib ng araw na ‘to. Sana hindi pa ito ang last. Gusto ko pa ng mga bago at masasayang experience sa buhay. Salamat po ulit, Papa God! Apir!