Baduy Naman

by Sankage Steno

Hindi talaga nauubusan ng genius ang mga Pilipino. I have proof! I have proof! Well, hindi ako yun. Sobrang redundant naman kung ako pa yun. Ang tinutukoy ko e yung babaeng nakilala ko last weekend sa isang event na kinover ko. Hindi ko na lang sasabihin ang pangalan nya pati yung school pero magaling sya talaga.

Imagine, nagawa nyang ipanalo ang isang bagay na baduy sa isang competition? Genius! Nagwagi lang naman sya ng P50,000. Not bad for a student, di ba? Ilang cellphone o iPad na rin ang mabibili mo nun. Saka ilang tasa ng kape na ang malalagok mo sa singkwenta mil? Sigurado ako kahit mamatay ka dilat ka pa rin sa dami nun.

Itago na lang natin sa pangalang Pare yung girl na tinutukoy ko. Nanalo sya sa isang design competition na sponsored ng UP. Nakakatuwa lang na walang taga-UP na nanalo dun. For a change daw. Or baka walang pang-tuition yung dapat na sasali sa contest. Pinag-forced LOA ng admin. Kawawang bata.

Takte.

Ang school ni Pare e nasa Taft Avenue. Hindi ko sasabihin talaga. Pero katapat nya yung school na masyadong berde. Well, berde rin naman ‘to pero mas berde yung isa. Kapitbahay lang yung kay Pare.

Ang pinaglabanan sa contest e pag-design ng Pinoy soccer stadium. Ang galing kasi nga si Pare, gumawa sya ng stadium na inspired by the Filipino concept of “baduy.” Akalain mong nakagawa sya ng high-tech at sustainable na field gamit yung kabaduyan na idea? Bilib na talaga ako, pramis.

Ta’s nung ininterview ko sya, lalo akong napabilib kasi mas naidetalye nya sa ‘kin yung disenyong ginawa nya. Wala akong masyadong naintindihan sa architectural jargons pero na-gets ko namang maganda yung gawa nya. Basta, maganda sya, OK? ‘Wag nyo na ‘kong tanungin sa detalye. Hintayin nyo na lang next week, I think.

Natuwa lang ako na very creative at insightful ng mga young Pinoy. I think we still have a bright future ahead of us. Ang problema na lang siguro e yung ugali natin. Astig lang talaga yung baduy sa ibang perspective. Brava!