Summer na!

by Sankage Steno

Ibig sabihin, tataas na naman ang bayad sa kuryente, mapapadalas na naman ang mga sunog, madaling magagalit ang mga boss at kokonti nang bahagya ang gagawa ng baby.

Pero lagi pa rin akong excited sa pagdating ng summer kasi 1) ang sarap maligo (hindi ko na kakatamaran pang gawin ‘to araw-araw), 2) masarap magbabad sa beach (e libu-libo lang naman ang beaches natin sa Pilipinas, thank you), 3) ang sarap kumain ng halo-halo (lalo na yung gawa ng Razon’s o ng kapitbahay namin), 4) ang sarap pumasok sa office (kasi buong araw naka-aircon) at 5) masarap magbakasyon!

Sayang nga at hindi na ‘ko nagtuturo. Ibig sabihin nun e hindi na rin ako magkakaroon ng mahabang bakasyon. Ayos lang naman. Pagdating naman ng Holy Week, makakabawi ako sa tulog at sa pahinga. Alam kong nakakabagot yun, pero minsan masarap din naman yung bored ka lang buong araw.

Kaya para mas sumaya pa ang summer natin, magbabahagi ako ng alang entang tips:

  • Be maarte. It’s your chance na to become so arte. I mean, maging artist ka naman kahit ngayon lang. Ang daming pwedeng paghugutan ng inspiration dyan, like the sun! Yung mga banyaga inggit sa ‘tin kasi we have plenty of sunshine. Why not write a poem or a song about the sun?
  • Be kayunmanggi. OK lang umitim. Inggit ang mga puti sa ‘tin kasi ang ganda ng kulay brown na balat. Punta ka sa beach para pantay yung pagkaitim mo. ‘Wag mo ‘kong gayahin, mukha lang ang maitim. Yun kasi ang laging nabibilad ko sa araw. Pisting yawa!
  • Be payat. Mahirap yung tumatanda ka tapos tumataba. Baka magkasakit ka sa puso. Tutal mainit naman ngayon, ngayon ka mag-jogging. Or try a new sport. Mas madali kang pagpapawisan at mas madaling masusunog ang mga taba mo sa katawan. Just make sure to drink lots of fluid para di ka ma-dehydrate.
  • Be matalino. Nakakainit ng ulo ang mainit na panahon. Kung tinatamad kang lumabas, sa bahay ka na lang at magbasa-basa. Pwedeng online o kaya e yung totoong libro. Try mong tumapos ng kahit isang book. Hindi ka naman gagawa ng book report, libangan lang. Tumalino ka na nang konti, na-relax ka pa.
  • Be gala. Oo, mainit, pero ngayon ang perfect time para maglibot at ma-appreciate lalo ang ganda ng bansa natin. Mahirap mag-travel kapag baha o bumabagyo. Sulitin mo na ang ganda ng panahon para lalong mapamahal sa Pilipinas. Try mo munang puntahan yung mga lugar na tinuro sa ‘tin sa Sibika at Kultura.
  • Be banal. Dahil holy week na next week, bakit di mo subukang maging banal kahit konti? I’m not saying maging Katoliko ka ha. I’m not very much into religious rituals, pero I’m into spirituality. Basta yung holiness that makes you a better, not bitter, person. Go, soul-searching din. Mabuti sa katawan ‘yan, pramis.
  • Be mabait. Alangan namang be a kriminal? Gusto ko lang maging goody-goody tayo, OK? Walang basagan ng trip. Ano ba naman yung acts of random kindness to anyone? Be a hero to someone today. Pangitiin mo sya. Say sorry. Always smile. Magpasalamat. O basta iwasan mo lang mag-isip ng masama sa kapwa mo.