Smarties

by Sankage Steno

Alam mo ba yung chocolate candies na parang M&Ms na sumikat noong 90s? Regardless of your answer, hindi na mahalaga ‘yon kasi hindi naman yun ang topic ko. E ba’t ko pa tinanong? Pang-asar lang. Gusto ko kasing maasar ka. Fill your hate file dahil kailangan mo ‘yan para sa mababasa mo ngayong araw.

Ang tinutukoy kong smarties e yung mga taong a**hole pero smart na nagkalat sa online world dahil social media made communication more democratic. Mahusay silang makipagdebate sa wikang Inggles at talaga namang malalaman ang kanilang mga sinasabi kahit pa nakaka-offend na.

So bakit di na lang natin sila tawaging smartass?

Hindi maaari kasi it’s a disgrace para sa talagang mga smartass. Ang mga smarties ay lesser beings kahit tingin pa nila sa sarili nila e ang galing-galing nila.

Totoo namang magagaling sila. They’re debaters. Here’s an example of their argument:

You’re so fat when you sat on an iPhone it became an iPad. Bam!

Ad hominem.

Hindi naman madalas na patama sa tao at hindi sa argument yung mga sinasabi ng smarties. Minsan talaga matatalino; yun nga lang, wala sa lugar. Anong ibig kong sabihin sa matalinong argument na wala sa lugar? Eto example:

Hand-waving and exaggeration is (sic) just irresponsible spin… Making hyperboles like that just makes it much easier to debunk a false claim as something that is useless and disingenuous.

May validity ang kanilang arguments. Kung bakit nagiging mali ay dahil punung-puno ito ng pride and prejudice. Halimbawa na lang ay ang isyu ng suicide ng isang UP student. Expected na maraming magbibigay ng komento o opinyon dyan, kahit sino pa. Ang nakakainis sa smarties, titirahin nila ang opinyon ng iba. Pero sa halip na constructive ang criticism, it’s rather condescending. 

In other words, gusto nilang ipailalim sa kanilang “level” ang opinyon ng iba, kundi man yung mismong taong nagbigay ng kanyang opinyon.

Naniniwala akong karapatan ng bawat isa ang magbigay ng opinyon, at naniniwala rin naman akong may maling opinyon. Pero kahit mali sya sa paningin mo o kahit pa hindi ka sang-ayon dito, wala kang karapatang yurakan ang pagkatao ng iba dahil lang sa kanyang opinyon, directly or indirectly.

Words are powerful. Ilang digmaan na ang nasimulan dahil lamang sa maling salita. Pero ilang gusot na rin naman ang naayos dahil sa mabuting usapan.

Ang smarties, they have strong potentials. Very, very strong pagdating sa communication. Magaling sila dyan. Pero hindi sila titigil hangga’t di nila napapatunayang superior sila at inferior ka, period.

But I think they have good purposes sa mundo. They can be sitcom writers or yo mama jokers!

Yo mama so stupid she tried to put her m&ms in alphabetical order. Bam!