Jessica Tonight

by Sankage Steno

No, not Soho, Sanchez. Alam ko namang hindi sya Pilipino pero ‘wag na nating pagtalunan yun. Basta masaya ako sa talent nya, plus her youth, at yun naman talaga ang mahalaga. Naging official fan talaga ako ni Jessica nung kantahin nya last year sa American Idol yung Stuttering ni Jazmine Sullivan.

Sobrang maiirita kayo sa ‘kin noon dahil paulit-ulit ko talagang pinapatugtog ‘yan sa YouTube at sa cellphone ng kapatid ko. Hindi ko masyadong gusto yung studio version, mas OK sa ‘kin yung live version nya sa AI. Raw and powerful.

Hindi ko nga pala napanood yung concert nya rito sa Pilipinas because of two reasons: wala akong pambili ng ticket at may trabaho ako nun. Sorry na lang sa ‘kin. Napanood ko lang online yung isang kanta nyang Tagalog. In fairview, malinaw at maganda naman ang pagkakakanta nya ng Ikaw.

At bakit ba ‘ko biglang nahumaling ulit kay Mareng Jess? E kasi nag/magpe-perform sya tonight with NeYo sa AI, with her current single Tonight. According sa desciption nya ng kanta, R&B/urban daw yung genre. I’m not an expert sa ganyan pero mukha namang totoo. Upbeat and very feel-good, although sabi ng iba sa comment not so R&B/urban daw.

Kayo nang bahalang manghusga.

Basta ako mag-e-enjoy lang ako sa music nya. I’m sure this is just the beginning. She has a  whole life ahead of her. I know mas bagay sa boses nya yung ballads pero tama rin naman na mag-focus sya muna sa mga “youthful” songs na bagay sa edad nya, like R&B nga. Pwede naman syang magsingit paminsan-minsan ng ballad. At ‘pag uugud-ugod na sya, dun na lang siguro sya mag-record ng album na puro ballad.

Nakakatuwa lang yung nakikita mo yung mga potential nung mas bata sa ‘yo. Nakakainggit kasi wala kang ganung talent at opportunity nung bata ka pero mas angat yung saya kasi alam mong maswerte ka rin to experience their gift.

How I wish na mabigyan ng break yung maraming young talents natin sa Pilipinas. Jusme, andaming magagaling na singers sa ‘tin. At sana rin mabigyan ng chance yung mga batang  composers, songwriters at musicians para maiba naman yung tunog ng OPM. Pare-pareho na lang kasi. Di naman tayo nagkukulang sa creativity. Anong probema?

A basta, dapat mabago ‘yan sa music industry sa ‘tin. For now, pagaganahin ko muna ang kaisa-isang musical instrument na kaya kong patutugtugin confidently: my vocal cords. At kahit pa hindi kagandahan ang boses ko, kahit pa pang-videoke lang sya, kahit sa banyo lang ako nahasa, kakanta pa rin ako.

And today/tonight, sasabayan ko si BB Chez!