Schizophrenia

by Sankage Steno

Nakausap ko ulit si God kanina. Ang swerte ko talaga. Marami kaming napagkwentuhan about sa buhay-buhay, pero napakamalihim pa rin niya sa mga misteryo ng sanlibutan. Tinanong ko rin s’ya about sa Holy Week. Yun na lang ang ibabahagi ko ngayon. Nakakahiya yung iba e, masyadong personal.

Sankage Steno: Hello po, Almighty God.

Almighty God: Yo! Musta u?

SS: Cool. JejeGod!

AG: Gago.

SS: God, bad po yun.

AG: Sino me sabi?

SS: Makakating labi.

AG: Di-di-di-di naman totoo.

SS: Yes, Randy Santiago. Fan po kayo?

AG: Hinde. Ikaw?

SS: Hindi rin po.

AG: Bakit mo ba ‘ko inabala? Busy ako.

SS: Wala lang. Bawal po bang kausapin kayo?

AG: Hindi naman. Oo nga, may point ka.

SS: May tatanong po ako.

AG: Bring it on.

SS: Di ba po, Holy Week na? Tanong ko lang po kung bakit sinakripisyo nyo po yung kaisa-isa nyong anak? Bakit di na lang po kayo?

AG: Ano kala mo sa ‘kin, masokista? Saka request din ni Jesus yun. Di ko naman sya pinilit. Adventurous kasi yung anak ko na yun e.

SS: Nice. Asan na po sya ngayon?

AG: Asa Narnia, nagpapanggap na namang lion sya. Ang creative talaga ng anak ko na yun. Daming alam. Deserving syang pumalit sa ‘kin balang araw.

SS: Bakit po, aalis po ba kayo? Nagre-retire po ba ang Diyos?

AG: Parang ganun na nga. Nakakapagod din kasing maging Diyos, daming ginagawa. Ang daming humihiling. Di ko naman matupad lahat kasi ‘pag tinupad ko lahat, ano pang silbi ko? Syempre, hihiling ulit ‘yan. Walang katapusang hiling-hiling na lang. Ano ako, sugar daddy?

SS: Sa bagay, may point ka. E kayo po, sa’n po kayo ngayong Holy Week?

AG: Baka pumunta akong Calaguas Island.

SS: Calaguas? Dito po sa Pilipinas? Wow! Dati po pope lang pumupunta sa ‘min, ngayon mismong si God na. Amazing!

AG: Anong amazing dun? Porke nagbakasyon lang ang Diyos sa bansa nyo, amazing na? E ako naman gumawa ng lahat, natural lang na i-enjoy ko ang mga ginawa ko. Ikaw ba, sa’n ka sa Holy Week?

SS: Sa ‘min lang po sa probinsya. Magsusulat po ako nang magsusulat. May tinatapos pa po akong kwento e. Sana talaga hindi ako tamaring tapusin sya.

AG: Maganda ‘yan. Medyo boring panoorin, pero maganda. Sa ‘kin mo unang pabasa ‘yan ha ‘pag natapos mo na.

SS: Si God naman. Alam ko namang alam mo na yung kwento ko kahit di mo pa basahin.

AG: E bakit ba? Gusto kong basahin e. Ayaw mo ba?

SS: Gusto! Gusto po. It would be an honor. Pwede po kayo na rin mag-edit?

AG: Naku, mahal rate ko per page.

SS: Magkano po?

AG: Isang self-flagellation per page.

SS: Self-inflicted pain talaga ang bayad?

AG: Joke, joke, joke!

SS: Ha ha ha! Palabiro po talaga kayo.

AG: Oo naman. E sa dinami-rami ng problema sa mga sanlibutan ko, magmumukmok pa ba ako at maggagalit-galitan? Hindi maganda sa balat yun.

SS: Kasi po dapat ginawa nyo na lang perfect ang lahat ng bagay. Kaya nyo naman yun e.

AG: Tapos ano, lahat tayo God na rin? Di ba ang OA naman kung marami tayong God? Variety is the spice of life.

SS: Wow, kumo-quote si God.

AG: Ayos ba? Apir!

SS: Apir!

AG: May tanong ka pa?

SS: Marami pa po, pero saka na lang. Busy po kayo e.

AG: O sige, kantahan na!

SS: Kakantahan nyo po ako? Wow! Sige po!

AG: Harana para sa dalaga na kung di dahil sa pag-ibig ay tinalikuran ko na sana. Dalaga na balak makasama mula sa simula hanggang sa magsipagtunugan yung kampana

SS: Astig!ย Gayuma ni Abra. Idol ko na talaga kayo, God.

AG: Thanks! Gusto ko si Abra e, cute pa.

SS: Bading po kayo, God?

AG: Wala akong kasarian. Imbento kasi kayong mga tao e.