Buti nga sa inyo

by Sankage Steno

Good news! Alam ko walang kinalaman ‘tong ikukwento ko sa pang-araw-araw na buhay mo pero I think you deserve to know this. Naks!

Nabalitaan mo ba yung ginawa ni Mamita Conchita, yung ombudsman? Well, itinaob lang naman niya ang naunang desisyon ng korte noon laban sa ‘euro generals’ at ngayon ay inutos niyang kasuhan na ang mga pulis na ito.

Kung nakalimutan mo na yung kwento ng euro generals, papaalala ko sa iyo. Medyo matagal na rin kasi yun, October 2008 pa. That’s almost five years ago na pala. Ito ang nangyari:

May 17 pulis at pribadong mamamayan ng Pilipinas ang umattend ng 77th International Police general assembly sa St. Petersburg sa Russia. Nung pauwi na sila, hinarang sa Sheremetyevo International Airport sina Eliseo Dela Paz at kanyang asawa na si Maria Fe. Bakit? Kasi nahuli silang may dalang 105,000 euros o P6.9 million.

Laking tanga, no? Bawal kasi yun dahil lagpas s’ya sa limit ng cash na pwede mong ilabas ng bansa. Ba’t ka naman magbibitbit ng milyun-milyong piso o libu-libong euro sa airport, di ba? Syempre, katakataka yun (not the plant).

Naalala mo na? Anyway, ito yung listahan ng siyam (ang karamihan sa kanila ay retired na) na kakasuhan ng multiple graft at saka technical malversation of public funds:

  • Ex-PNP chief for comptrollership Eliseo Dela Paz
  • Ex-deputy chief for operations Emmanuel Carta
  • Ex-chief of the directorial staff Ismael Rafanan
  • Ex-director for plans Romeo Ricardo
  • Ex-director for human resources and doctrine development German Doria
  • Ex-Region IX police director Jaime Caringal
  • Ex-chief superintendent Orlando Pestaño
  • Senior superintendent Samuel Rodriguez
  • Senior superintendent Tomas Rentoy III

Yung ibang kasapi ng 17 pumunta ng Russia ay napawalang-sala na dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Of course, kailangang isipin natin na inosente ang mga kakasuhang pulis hanggat di napapatunayan ng korteng nagkasala nga sila. I’m sure aabutin pa ito na syam-syam bago magkaroon ng ending. Pero di bale, magandang balita na rin ito para sa pagsisimula ng buwan ng Abril at para ngayon Lunes.

Kung wala silang kasalanan, patunayan dapat nila sa hukuman. Kung nagkasala naman, umamin na nang hindi na tumagal. Dapat kayong managot dahil pera namin yung nilulustay ninyong mga hinayupak kayo! Naturingan pa man din kayong mga pulis! Tapos kayo pa ngayon ang sumusuway sa batas! Ipako sa krus!

Kung makapanghusga naman agad ako. Sorry, blogger lang.

Kung gusto mong malaman ang iba pang detalye (at magbasa ng English na balita), i-click  mo lang yung larawan ni Mamita Conchita sa baba, OK?

Advertisements