5 Ways to a Great Beach Body

by Sankage Steno

Summer na naman kaya, for sure, marami ang pupunta ng beach. Dyahe naman kung pupunta ka sa Boracay o Puerto Galera o kahit sa’n pang beach ta’s yung katawan mo e hindi naman ready for flaunting, di ba?

Don’t worry, hindi ka nag-iisa sa worry mo. Marami tayong namomroblema d’yan. Kung gusto mo ng seryosong tip para magkaroon ng malaengkantong katawan na mahihiya kahit pa si Marc Nelson o si Sam Pinto o si Son Goku, click n’yo na lang ‘tong article na ‘to.

Kung ayaw n’yong magbasa ng iba, tuluy-tuloy ka lang sa blog ko, ’cause I have my 5 easy, as in super dali, ways to achieve a super awesome beach body!

5. The People-Are-Trees Method. Isipin mong tuod ang lahat ng tao sa paligid mo at ikaw lang ang may torso na made of flesh. Imagine the trunk of a Narra or Acacia tree, kung ga’no ito kagaspang at kapangit, ganun ang katawan ng iba. But not you.

4. The God’s Image Method. Mas madali ‘tong gawin kung Kristiyano ka o Hudyo. Kapag naniwala kang nilikha ka na kawangis ng Diyos, hindi ka mahihirapang maniwala na you have the perfect body of a human being. Bakit, may nakakita na ba talaga sa Diyos? May nakapagsabi na bang pangit s’ya?

3. The Wet and Wild Method. Kapag lumubog ka na sa tubig, nag-iiba ang dating ng kawatan mo, parang ang gaan-gaan mo at wala kang bilbil o taba. Sige, d’yan ka lang sa tubig, dapat hanggang leeg. ‘Wag kang aahon. Feel the cosmos. Alam mo sa sarili mong you’re part of the grand design of the universe!

2. The Adam Levine Method. Dalhin mo na lang sa maangas na pagtatanggal ng shirt mo. It’s all in the appeal, man. And the attitude! Basta pagtanggal mo ng shirt, siguraduhin mong hindi mo ito ipapamigay o ihahagis na parang concert ni April Boy. At make sure din na sa beach ang tuloy mo, hindi sa kanto.

1. The Beach Please Method. Touch your skin. Embrace yourself. Say, bitch please! Walang pakialaman. Maging kampante ka sa balat mo, pinagpapawisan mo ‘yan. Wala naman talagang madaling paraan para gumanda ang katawan maliban sa matinding exercise at pamatay na diet. So kebs na lang! Take your shirt off and shake what yo mama gave you!