Magbabayad kayong mga Tsino kayo!

by Sankage Steno

Hindi tax evaders na Tsinoy businessperson ang pinag-uusapan natin dito pero dapat din silang magbayad ng buwis sa mga undeclared assets nila. May warning na kayo kay PNoy kaya sana lang maging tapat kayo sa pagbabayad sa pamahalaan.

Ang tinutukoy ko ngayon ay ‘yung sumadsad na namang vessel sa Tubbataha kagabi lang. Ang sabi sa mga paunang balita e Chinese fishing boat daw ito na naglalaman ng 12 katao at ang suspetsa pa ay mga illegal poachers sila, tulad nung mga nahuli sana ng Philippine Coast Guard du’n sa Panatag Shoal last year.

Tangina-pucha-shet lang talaga!

Isang linggo pa lang nung matanggal ‘yung USS Guardian, ta’s may panibago na namang sumira ng Tubbataha Reef? Nakakainis na talaga ha. Nasaan na ‘yung mga nagbabantay diumano sa lugar na iyon? Fine, imposibleng mabantayan s’ya 24/7 pero na naman?

Siguro naman hindi na makakawala ‘tong mga Tsinong ‘to, di gaya nung sa Panatag. Wala sa West Philippine Sea ang Tubbataha. Malinaw na nasa loob ito ng Pilipinas, hindi contestable ‘yung territory rito. Nasa Sulu Sea ‘yan. Malapit lang sa Palawan. ‘Pag naman nakapasok pa ang military ship ng China para i-rescue ‘tong mga Tsinong ‘to, EWAN KO NA LANG!

Di ba protected area ang Tubbataha? Iba na ba ang meaning ng ‘protected’ ngayon sa dictionary? Kasi hindi pa ‘ko nakakahawak ulit ng dictionary e. Puro online kasi ako mag-check ngayon. Paki-inform naman ako kung iba ang ang definition nina Merriam at Webster sa salitang ‘yon. Medyo maiintindihan ko pa.

Tangina-pucha-shet lang talaga!

PNoy, baka naman pwede ka nang mag-interfere. Nung mga Amerikano kasi parang napipi ka after nilang mag-sorry. Ni ayaw mong tanungin kung ano talaga dahilan at napadpad sila du’n. Ta’s ngayon ayaw mo namang mag-lodge ng diplomatic protest sa UN. Ngayon mga Chinese ulit ang nanghimasok sa atin, baka naman pwedeng magpakita ka ng konting pangil.

Hoy, PNoy, ha, aksyunan mo talaga ‘to. Da’t ngayong araw may marinig o mabasa ako kahit condemnation man lang sa ginawang ito ng mga ilegal na mangingisdang Tsino. Wala akong pakialam kahit Chinese-descent ka pa. Si Jose Rizal may dugong Tsino rin pero s’ya ang First Filipino. ‘Wag kang tatamad-tamad d’yan.

Bwisit talaga ‘tong pangyayaring ‘to. Kawawa na talaga ang Tubbataha. Mas kawawa tayong mga Pilipino ‘pag pinalampas lang natin ‘to. Sabi nga ng editor ko dati, heads must roll! And I repeat, “Heads must roll!

https://i0.wp.com/www.chinadaily.com.cn/china/images/attachement/jpg/site1/20101209/0013729e4ad90e6aea430a.jpg