The Meaning of LOL

by Sankage Steno

Napukaw ang aking damdamin nang makita ko ang larawang ito sa Facebook:

Hindi ako mahilig gumamit ng LOL kasi mas prefer ko ang Haha o hahaha o Ha ha! Ngunit nang makita ko nga ang nasa taas, napaisip ako, ano nga ba ang tunay na kahulugan ng LOL? Maaaring tama nga na Lucifer Our Lord ang kahulugan nito, pero marami pa talagang maaring kahulugan ang LOL.

Narito ang ilan sa aking mga nakalap:

  • League of Legends – ‘Yung laro sa computer na kinahihiligan ng mga bata at not so bata (college students and yuppies) na hindi maka-get over sa kanilang pag-aaral kaya idinadaan na lang sa paglalaro nito para kahit dun man lang masabi nilang winner sila.
  • List of Lovers – Kasama na rito ‘yung mga past, present at future. Ito ‘yung pilit itinatago ng mga babaeng matindi ang emotional attachment sa kanilang mga nakakarelasyon. Walang akong alam na lalaking gumagawa nito dahil sa simplistic logic nila na “Lalaki ako.”
  • Live Our Lives – Ito ang philosophy ng mga nasa early twenties. Hindi pa kasi nila nararanasan ang totoong ibig sabihin ng ‘totoong buhay.’ Maganda naman ito at talagang good vibes. Mahirap lang ngang i-apply kung sa North Korea ka nakatira o sa Afghanistan.
  • Look oh, Lupet! – Ito ‘yung sinasabi ng mga lalaking nag-aaral sa college o university na ang tuition per term ay hindi bababa ng P40,000. Mas sikat ang mga babaeng version nila, pero hindi maitatangging marami rin sa mga lalaki ang ganito magsalita kapag nakakakita ng something astig.
  • Love or Lust? – Tanong ‘to ng mga kaka-break lang at nahihirapang pumasok sa panibagong relationship. Pwede rin ‘to sa mga mahilig mag-club. Sa tindi ng mga pinagdaanan nila sa buhay, confused na sila kung ang taong kaharap nila ngayon ay ang The One o another one-night stander lang.
  • Lika! O, Lollipop – Ito ang linya ng mga sindikatong dumudukot ng mga bata para gamitin sa kanilang ilegal na gawain. Papalapitin nila, ta’s ‘pag ayaw lumapit ng bata, aalukin nila ng lollipop. Marami nang napariwara ang buhay dahil sa mga salitang ito. Kaya lagi po nating bantayan ang mga bata sa bahay.
  • Lunch Over Lala – Paboritong pastime ng mga majujubis, lumba-lumba, dabiana, obese o ‘yung mga taong rich in cholesterol. Kahit anong oras sila kumain, kahit pa merienda lang, laging parang lunchtime sa dami ng inoorder at kinakain. Sila ang mga tipong ‘pag may taggutom, papayat muna at di agad mamamatay.
  • Like or Leave – Ito ang best advice para sa netizens o kahit ‘yung mga anak ng Facebook. Madalas kasi may mga post na nakakapang-init talaga ng ulo o nakakakulo ng dugo. Alam mo kasi, kung hindi mo type ang isang post, just leave. E kung gusto mo naman, don’t be shy kahit ex mo pa nag-post. Like it na.
  • Live on Less – One of the secrets to happiness in life. Parang si Mother Teresa lang ang peg, ganyan. Ipinanganak ka sa mundong walang dala, mamamatay ka ring walang dala. So don’t waste your life sa pag-accumulate ng mga worldly belongings that you forget to actually live. Remember, less is more.
  • Laughing Out Loud – Need I say more?