Indak

by Sankage Steno

Siguro dalawa o tatlong araw ko ding minemorize yung kanta ng Up Dharma Down na Indak. Ayaw kasing matanggal sa utak ko. Parang nadidinig ko pa din sa tenga ko kapag medyo idle yung utak ko. E naglilinis naman ako ng tenga.

Nga pala, yung LSS natin sa Filipino? May tawag pala mga Kano dun. Earworm pala sya sa English. Ooh! Now you know. Akalain mong legit condition pala sya. Hindi lang pala tayo nakaka-experience nun. ‘Stig!

Medyo nahirapan akong kabisaduhin yung Indak kasi nakakalito nang konti yung lyrics. Paulit-ulit lang naman pero may konting pagbabago sa syntax. May na-transpose, may na-conjugate, may nawala, ta’s may nadagdag din bigla. Basta malalaman nyo sya ‘pag ginoogle nyo mismo yung lyrics ng kanta.

Nakapagpahirap pa nang bahagya yung tono ng kanta. Para kasing erratic yung melody. Parang walang pattern. Pero meron talaga. Need mo lang na ma-familiarize ang sarili sa tono. Kaya ayun, paulit-ulit sya sa cellphone ko at computer. Pakinggan mo na lang din sa YouTube para maintindihan mo.

TRIVIA: Alam mo bang para sa mga ahas ang awiting Indak? Alam mo kung bakit? Read the lyrics.

Wait, teka. Ayan na naman sya. Tumutugtog nang kusa sa utak ko. Hindi naman sa ayaw ko ha. Pero kasi baka magsawa agad ako sa kanta na ito e ayaw kong mangyari yun. Andami na kasing kanta na pinagsawaan ko, although hindi naman forever kasi pag nadidinig ko ulit sometime in the future e gusto ko pa din sya.

A good song, kahit mag-iba pa panahon, e masarap pa ding pakinggan.

Wish ko talaga madami pang gawing kanta ang Up Dharma. Pero sana mas maging creative pa yung mga songwriters at composers natin sa paglikha ng musika. I’m a fan of OPM pa naman kaso pakonti nang pakonti ang magagandang napapakinggan ko ngayon.

May kukwento pa sana ako about earworms o LSS pero baka humaba ‘to masyado. About sana sa scientific study tungkol sa phenomenon na ‘to. Di ko na sasabihin lahat ng detalye. Basta ang conclusion, pag daw idle ang utak mo o di masyadong ginagamit, dun daw mas madaling ma-LSS. So alam mo na kung bakit ka laging nae-LSS?