Why you should go bald… or not.

by Sankage Steno

First time kong nagpakalbo… well, not kalbo-kalbo, semikal lang, pero ganun na rin ‘yun kasi ang tawag pa rin sa ‘yo ng mga tao e kalbo. Kebs na lang sa title.

Sobrang pinag-isipan ko pa talaga kung gagawin ko kasi hindi naman ako nakipag-break o nakaranas ng matinding kabiguan o kalungkutan lately to do something as drastic as shaving my head. Pero ang takbo ng utak ko minsan ay parang lindol, unpredictable.

I’ll make a list of some benefits ng pagiging kalbo (or semikal). Sana ay ma-inspire din kayo na magpakalbo:

  • Presko. Ang gaan-gaan ng feeling. Pakiramdam ko hindi na iinit ang ulo ko ever. Parang kahit ilang beses akong bwisitin ng bwisit kong boss, mapagpapasensyahan ko.
  • Liberating. The moment na i-shave yung gitna ng ulo ko, may tingling sensation. At nararamdaman ko lang ‘yun kapag nakakamit ko ang freedom, kapag I’m one with the cosmos. Pakiramdam ko I can do anything!
  • No Bad Hair Day. Kahit bagong gising ka lang, hindi halata kasi yung buhok mo (or the lack of it) e ganun pa rin ang hitsura. What’s more, hindi mo na kailangang magsuklay. On the go ka lagi!
  • Tipid. Syempre, hindi mo na kailangang mag-shampoo o conditioner. Hindi mo na rin kailangang bumili ng wax o gel o hair spray o kahit ano pang kolorete sa buhok. Mababawasan din pagpunta mo sa salon o barberya. Laking savings.
  • Less Away, Less Gulo. Kapag may napikon kang tao o may nakasamaan ng loob, may advantage ka kasi di nila mahahablot ang buhok mo para kaladkarin ka. At hindi ka rin nila masasabunutan kahit ano pa gawin nilang pag-try.
  • Sexy time. Duda ako sa huling ito. Pwede kasing madagdagan ang sex appeal mo kapag kalbo ka. Yun nga lang, kapag sexy time na, walang masasabunot sa ‘yong buhok sa ulo kapag andun na sa point na yun. Oh well.

For the sake of fairness and equity, gagawa rin ako ng listahan para sa opposite nung nasa itaas. Narito naman ang ilang dahilan kung bakit hindi ka dapat magpakalbo:

  • Kalbo. Kahit anong gawin mo, kahit mabait ka pa at nananahimik, tatawagin ka ng mga taong “Kalbo!” Alam mo naman sa sarili mong kalbo ka pero dahil kalbo ka nga, tatawagin kang “Kalbo!” At hindi ka matutuwa minsan.
  • Kalbo. Kalbo ka, kaya no choice na ang maging description sa ‘yo ng mga tao, lalo na ng mga hindi ka kilala, e yung kalbo. Pag may nagtanong, asan si ganyan? Sinong ganyan? Yung kalbo? Ayun, puro kalbo na lang kahit pa matalino ka.
  • Kalbo. Sabi nila the truth hurts. Kung tatawagin kang kalbo, malamang masasaktan ka. Wala namang masama sa pagiging kalbo, pero ang mundo ay immature kaya tatawagin kang “Kalbo!” at masasaktan ka.