Spiral of Silence

by Sankage Steno

Hindi po ito yung political science and mass communication theory na pinasimulan ni Kumareng Elisabeth Noelle-Neumann.

Pero para sa kaalaman ng lahat, ang spiral of silence ay tumutukoy sa proseso kung saan ang isang opinyon ay nagiging sikat o dominante, dahil sa pananahimik ng ibang taong may taliwas na opinyon. Tumatahimik sila kasi iniisip nilang hindi popular ang opinyon nila at natatakot silang itakwil o isantabi ng lipunan.

Hindi applicable sa akin ‘yang theory na ‘yan dahil sasabihin ko ang opinyon ko sa blog ko kahit pa minority lang ako. Sabi nga ng isang Black American contestant na na-reject sa American Idol noon, “I don’t care what this is! Oh, Simon is so!

Ang gusto kong i-share na spiral of silence e yung nangyari sa ‘kin kanina lang sa Sofitel Philippine Plaza Hotel sa Manila. Amputek! Perstaym ko kasi sa Spiral, yung sikat nilang buffet na P3,500 yata per plate. Nakalibre na naman ako. Ay, ingget! Inggitero! Pagbigyan n’yo na ‘ko, maliit naman sweldo ko e.

So, ayun, may coverage ng event dun kaya nakalibre na naman. E grabe, sobrang taas ng expectation ko sa Spiral dahil sa mga naririnig ko at nababasang review. And it delivered! Pare, Tsong, Bro! Grabe talaga, nahirapan akong mamili sa dami ng choices! At lahat, gourmet dishes! Pucha!

Sa sobrang hirap mamili, ang napunta sa ‘kin e lumpiang sariwa! Putek talaga. Alam mo yung hirap na hirap yung mata at utak ko kung alin ang uunahin? O sige yun na lang pamilyar. Buti na lang at nakakuha ako ng steak at tempura at kung anik-anik na dimsum. Yung ibang nakuha kong food, di ko alam pangalan e. Pero, men!

Yo, mamen! Taraglis, ang sarap! Actually, appetizer pa lang naiiyak na ‘ko sa sarap. Di ko rin alam tawag basta kuha lang ako nang kuha. Ang bango sa ilong at sa bibig, tapos ang subtle lang ng flavor. Sa sobrang heavenly ng taste, napapatahimik na lang talaga ako.

Spiral of Silence.

Ta’s pagdating sa dessert, LORD! Malapit na ba ‘kong mamatay? Malapit na ba ang oras ko? Last supper na ba ‘to? Tengene. Nakakaiyak yung mga praline at chocolate balls. May brown, may dark at may white, ta’s lahat sumasabog sa bibig. At yung tamis n’ya, dumidiretso sa tear glands ko. Nakakaiyak.

Ta’s may Rum Baba pa na ewan, may sipa talaga, at yung eclair, well, eclair sya. Ta’s yung ice cream, well, ice cream. Hindi ko na natikman yung halo-halo saka yung may choco fountain. Akshuli, andami kong di nakain sa sobrang dami talaga. Paulit-ulit? Pero nung bumalik ako for another serving, this time creme brulee, wala na.

I begged for God’s mercy.

Ba’t nya ‘ko dinala sa Spiral? And that creme brulee! Oh my Gahd! Anong nagawa kong kasalanan para pakainin sa Spiral? Ba’t ako pa? Hindi ko matanggap na may ganung kasarap na bagay sa mundo. And best of all, libre! Tangineshetalaga!

Hindi ko kayang ma-afford yung bayad dun, pero kung ma-afford ko man in the future, baka di ko rin gawin kahit pa heavenly sya. Kasi naman, both my heart and mind say yes, kain pa, go lamon! Pero my stomach says, tama na! Di ko na kaya!

At di ko talaga kinaya.

Image