Ultralipo or Resolift

by Sankage Steno

Pinalad akong manalo ulit ng gift certificate sa isang event. Syempre tuwang-tuwa naman ako kasi di pa rin naaalis sa katawan ko yung mga ganyang swerte. Medyo nadismaya nga lang ako nung nakita ko kung ano yung GC na napanalunan ko.

P5,000 worth of Ultralipo or Resolift.

Tengene. Maluha-luha ako sa swerteng natanggap ko, ta’s maluha-luha rin ako sa nabasa ko. Aanhin ko naman ang ultralipo e hindi naman ako sobrang taba. Hindi rin naman ako artista na gustong maging malaengkanto ang katawan. At lalong hindi ako insecure sa aking body.

I mean, wala akong abs (ab lang), wala akong square jaw, walang tough chest and sculpted body, pero di naman ako nalulungkot sa katawan ko. Masaya na akong hindi ako obese o malnourished. Normal, ganyan. Masaya akong normal ako, period, no erase.

Pero kahit hindi ako interested sa napanalunang GC, nag-research pa rin ako ng konti dun sa ultralipo at resolift. Ang una pala ay non-surgical at pain-free raw. Magandang pamalit daw ito sa liposuction na mas mahal, mas masakit at matagal ang recovery time. Sa ultralipo, mura na, wala pang recovery time.

Gumagamit lang sya ng ultrasonic waves, parang sa Voltes V, na lumilikha ng matinding pagyugyog sa mga fat cells kaya natutunaw ang taba at nagagamit as energy for exercise o inilalabas ng katawan as waste. Galing, ‘no? Pero kailangan mo talagang mag-exercise after or else ia-absorb ulit ng katawan mo yung fatty acid.

Yung resolift naman ay non-surgical din na cosmetic procedure. Walang dugu-dugo, walang operasyon. Para naman ito sa mga mukhang matanda o matanda na talaga at gustong magmukhang bata ulit. Gumagamit ito ng electrodes, parang sa Pokemon, para pahigpitin o i-tighten ang balat at mawala ang fine lines at wrinkles mo.

E jusko, problema ko nga sa trabaho minsan yung mukhang bata. Lagi akong napapagkamalang menor de edad. Not that I’m complaining. Masaya nga e. Pero nakakaabala s’ya sa trabaho ko kapag nagko-cover ng event. Minsan hindi ako agad papapasukin, ta’s haharangin ng gwardya at ii-interrogate pa.

And don’t get me started dun sa harassment sa akin before at sa mga panloloko dahil “bata” ako. Hindi naman sya sexual, OK? Chill lang.

So ayun, balak ko na lang ibenta ang GC. Sa Sofitel sya pwedeng gamitin until May 15, 2013. Kung interested ka, let me know sa comment o email o Twitter. Nasa “Tungkol” ang contact info ko. Half the price na lang ng worth ng GC ko sya ibibigay sa ‘yo. Tengks!