Babae o Lalake

by Sankage Steno

May nakausap ako kanina. Actually, interview sya sa isang resort sa Antipolo. Hindi ko na lang babanggitin dahil baka makilala nyo pa sya at mademanda ako sa sasabihin ko ngayon. Wala pa naman akong pambayad sa attorney.

Coverage sya, so marami akong tinanong sa may-ari ng resort na itago na lang natin sa pangalang Tita Maxi. Isa syang interior designer by profession na naging isang matagumpay na entrepreneur. Sa totoo lang, humanga ako sa pagiging business-minded nya at sa galing nyang magpaikot ng pera.

So usap-usap, hanggang sa mapunta ang mga tanong ko sa personal na buhay. Tinanong ko sya kung ilan ang anak nya, at nung sagutin nya, follow up ko e kung ilan sa mga anak nya ang babae at ilan ang lalake. Hindi ko na rin sasabihin kung ilan. Ang mahalaga, may babae at lalake syang anak.

Ta’s nagkwento na sya nang nagkwento about her life, kahit hindi ko tinatanong yung ilang detalye. Sabi nya, gusto raw nya e planado talaga ang buhay nya, kaya gusto nya e alam nya kung babae o lalake ang ipapanganak nya. May technique daw silang ginawa na mag-asawa, katulong ang kanilang doktor, para mapili ang kasarian ng kanilang magiging anak.

Choose the Sex

Una, para maging babae ang anak. Dapat daw, sabi ng doktor, magtutut sila (a.k.a. sex/talik/niig) after ng ovulation ng babae. So bumili si Tita Maxi ng malaking Chinese calendar na may blue na sulat at dun nya ineekisan yung araw after ng kanyang ovulation. And true enough, dun lang sila nagtututut mag-asawa. Babae nga naging anak nila.

Sunod naman sa lalake, at ito ay medyo tricky. Sabi ng doktor ni Tita Maxi, dapat daw ay magtutut sila before ovulation. At dapat daw ay acidic si babae para lalake ang maging anak nila. Here’s the rub, para sure na acidic si Tita Maxi, kinailangan nila ang isang special ingredient. Ano kamo ‘yon? Ano pa… edi suka.

After nilang magtutut mag-asawa, didiretso agad sila kay doktor sakay ng kanilang kotse. Imagine, wala nang cuddle-cuddle, takbo agad sa clinic. Pagdating doon, agad tuturukan ng doktor si Tita Maxi ng apple cider vinegar sa mismong pwerta para maging acidic. Well, hindi ko na vinerify ang scientific basis nito, pero true enough, lalake nga ang anak nya.

Ang galing ‘no? Nakokontrol na rin pala kung gusto mong babae o lalakeng anak nyong mag-asawa. E pa’no naman kaya kung gusto mo ng bakla o tomboy na anak? May secret technique din kaya?