Never Date Someone

by Sankage Steno

May nabasa ako sa Thought Catalog nung isang araw tungkol sa dating-dating na ‘yan. Nakakatuwang magbasa ng mga essays dun kasi sobrang liberated yung ibang views, ta’s yung ilan naman e mapapaisip ka talaga.

Yung huli kong nabasa e tungkol nga sa pakikipag-date, at nagbigay ng tips yung writer kung anong klaseng tao ba dapat ang bigyan mo ng pagkakataong magamit ang iyong oras. In other words, sino ba ang hindi mo dapat makarelasyon? Parang ganun.

So naisipan kong gumawa ng sarili kong list dahil expert ako sa ganyan e. Ako pa? Expert ako sa love. Kaya nga ako loveless e.

Never date someone

  • who has big eyes. Mahihirapan kang maka-concentrate. Lahat kasi ng gawin mo, akala mo e nakamasid sya at tinitiktikan ka. Dyahe! Tapos kahit hindi naman talaga galit, iisipin mo galit kasi pinandidilatan ka ng mata. So ‘wag na lang.
  • who says “I love you” agad-agad. Naniniwala akong there’s a perfect time or moment para sabihin ang three-worded sentence na ‘yan. It’s too loaded and too important para lang sabihin kung kani-kanino at any given time. Nawawala kasi ang bisa ‘pag ganun. So ‘pag sinabihan ka kaagad n’yan, takbo na.
  • who has no money. Pa’no kayo magde-date kung wala syang pera? Ano, puro ikaw ang gagastos? E pa’no sa mga susunod nyong date, ikaw ulit? Kahit naman siguro sobrang yaman mo, at some point, mapapaisip ka: Is he/she worth it? Then, boom! Mari-realize mo na lang, nanghihinayang ka na sa mga nagastos mo.
  • who is bad with grammar. You makes me smile all the times. When I thinked of you, it give me shivers like there’s a butterflies in the stomached of mine. I cannot stopped thingking of you. My days is not complete without a thoughts of you. O, ano, makikipag-date ka pa?
  • who can’t cook. So ‘pag naging kayo na, ‘wag naman sana, e puro fastfood na lang kayo kakain? O baka naman gusto mong puro ikaw na lang magluluto? Syempre romantic kaya kapag yung lover mo e ipagluluto ka. Would you miss that moment?
  • who wears very strong perfume. Ang hirap mag-concentrate kapag anlakas ng pabango nya, tsong, tsang. Ta’s ‘pag wala na sya, andun pa rin ang amoy nya sa ‘yo, nakakakapit. Pa’no na lang kung hindi mag-work out? ‘Pag naamoy mo yung pabango nya, maaalala mo pa sya. Fail ‘yun. Fail.
  • who tweets a lot. O kahit yung post nang post. Ano ka, walking diary of Anne Frank? Kahit pag-utot sasabihin. Kahit binunot na ngipin, ipo-post online? Lahat ng mapag-usapan nyo sa date, naka-status? No way! No, no, no, no!

Pero kung may feelings ka na sa kanya at tingin mo e mahal mo na sya, go lang. Kalimutan mo lahat ng sinabi ko. Follow your heart. ‘Wag pansinin ang sinasabi ng iba, lalo na ang sinasabi ni Sankage Steno. Walang makakatalo sa love.