Aktibista v. Komunista

by Sankage Steno

Dahil nabanggit ko sa isa kong blog yung nangyari sa asawa ni dating bise-presidente Teofisto Guingona, minabuti kong magsulat sa isang topic na kinakabahan akong isulat dahil a) konti lang ang alam ko, b) maraming “kakilala” ko ang involved at c) sobrang deep ng topic at hindi maarok ng 130 kong I.Q. (base sa huli kong IQ test sometime last year).

Sa UP, kung sa’n ako nag-aral, maraming aktibista/leftist. Marami silang ipinaglalaban. Madalas, kung ano ang ipinaglalaban nila ay sinasang-ayunan ko naman. Halimbawa, tutol sila sa pagtaas ng tuition fee, tutol din ako. Tutol sila sa pagbebenta ng lupa ng unibersidad sa private companies, tutol din ako. Tutol silang babaan ang budget sa state colleges and universities, tutol din ako.

Nagkakaiba lang kasi mas vocal sila, ako hindi. Vocal ako sa print o sa blog, ganyan.

May Pagkakaiba

Ang masama lang, at eto e medyo sensitibo, kapag sinabi mo kasing aktibista ang isang tao, ang hirap nyang ilayo sa term na ‘komunista.’ At ‘pag sinabing komunista, ang madalas na pumapasok sa isip ko (ewan ko sa isip mo) e digmaang bayan o civil war. Na isang rebolusyon ang solusyon upang mabago ang bulok na sistema at umunlad ang bayan.

Syempre, hindi lang naman yun ang essence ng communism. Andyan syempre yung social justice na kanilang pinaglalaban at yung pagtataguyod sa karapatan ng mga tao, lalo na ng mga api at mahihirap. At gaya ng nakararami, gusto rin nila ng kapayapaan at ang pag-unlad ng sambayanan.

Mahirap lang talagang isama sa equation, for me, yung armed struggle at kung bakit may kasamang dahas para makamit ang mga minimithi para sa bayan.

OK, OK, ayan na. Nararamdaman ko na ang oposisyon kahit sa sarili ko. Gusto ko munang linawin na kapag leftist ka, it does not follow na communist ka na agad. Hindi porke aktibista ka e kasapi ka na rin ng NPA. Ayan na, nabanggit ko na ang ‘NPA.’ There’s a difference.

Armed Struggle

Naniniwala rin akong at some point, kailangan ng “dahas” para makamit ang isang bagay, tulad na lang ng ginawa ng mga Katipunero noong Philippine Revolution. Pero sa panahon natin ngayon, sa tingin ko (dala na rin ng impluwensya sa akin ng ibang mas nakakaalam na tao), ang karapatang gumamit ng armas o military strength ay nasa pamahalaan lamang.

Anyone who wields it na hindi naman sakop ng gobyerno e pwedeng tawaging rebelde. Wait, pa’no kamo yung Ampatuan at yung iba pang pulitiko na may private army? Ilegal din yun. Hindi sila sakop ng armed forces ng bansa. Hindi sila rebelde, pero wala pa rin silang karapatang gumamit ng dahas para sa pansariling interes.

So, ayun. Medyo malalim pang usapan ito, at ayokong palawigin masyado dahil, sabi ko nga, konti lang alam ko. Magpapakatalino muna ako nang konti pa para mas marami akong masabi.

Basta ang point ko, 1) hindi ako lubos na sang-ayon sa paggamit ng armas para ipaglaban ang nais, 2) at may pagkakaiba ang aktibista sa komunista, although mahirap ngang makita yung difference.