Baril-barilan

by Sankage Steno

Alam mo, maliit na balita lang sya kung tutuusin e. Hindi ka naman talaga maaapektuhan kung mabasa mong may batang napatay ang kanyang nakababatang kapatid gamit lang naman ang baril na iniregalo sa kanya.

Child shoots sister with rifle he got as a gift.

Maliit na balita lang talaga sya, pramis. Kasi ang malalaking balita sa ngayon e yung survey results ng SWS at Pulse Asia o kaya e yung mga gimik ng mga pulitiko sa kanilang pangangampanya. Yun ang malalaking balita.

Pero, sorry, hindi ko pwedeng palampasin ‘tong balitang ‘to. Kung nabasa mo na yung nasa link, malalaman mong maikli lang sya at parang trivial o isolated incident. Pero dahil sa United States ito nangyari, I’m sure makakadagdag ito sa debate hinggil sa pagiging istrikto nila sa gun ownership.

Kung bakit naman kasi ganun na lang kadaling magmay-ari ng baril sa bansang ‘yon. At eto pa, pwedeng-pwede palang ipanregalo sa isang limang taong gulang na bata ang tunay na baril.

Jusko, kami nga lang e, pinapagalitan kapag naglalaro ng baril-barilan o kapag ang pinangregalo ko sa isang bata e plastik na baril. Ta’s sa U.S. totoong baril talaga ang binibigay sa bata? Anong saltik naman kaya ang pumasok sa utak ng mga magulang nun at nagbigay ng armas sa anak. Tingnan mo nangyari.

If anything can go wrong, it will.

Pero ayoko namang pagkaisahan ang U.S. lang kasi nangyari na rin ‘yan dito sa Pilipinas, although hindi naman niregalo yung baril sa anak. Naging pabaya lang ang magulang. But still!

Boy accidentally shoots self with cop-father’s gun.

Bata talaga ang unang nagiging biktima e. Kawawa naman. Sayang yung buhay. Jusme, buhay! Buhay pinag-uusapan dito. Alam ko masamang isipin pero ang swerte ko na pala at umabot ako sa ganitong edad. Yung iba d’yan, bahagya palang umaangat sa mundo, nababaril na agad.

Bakit kasi may baril sa bahay? Hindi ba pwedeng iwan ‘yon sa pulisya o sa barangay hall? Understandable naman siguro kung pulis o sundalo magulang mo, pero ba’t kasi ganun silang kakampante na basta-basta na lang mag-iwan ng baril sa bahay? At may lamang bala pa talaga.

Yung lolo ko sundalo, pero never kong nakitang naglabas sya ng baril sa bahay. At lalong wala akong alam na nabaril o naaksidente sa amin dahil sa baril.

Kaya pwede ba, sa susunod, iba na lang ang iregalo sa mga anak? Andami naman kasing pwedeng ibigay, like balisong o kris o itak o bolo. Gago, biro lang. Manika na lang o kaya bola. O kung gusto talaga ng nakakapatay na bagay ang iregalo, bigyan mo na lang ng katol ang anak mo.