Media Blind Items

by Sankage Steno

Dahil World Press Freedom Day ngayon, minabuti kong maglabas ng sama ng loob sa propesyong pinili ko. Syempre love ko pa rin ang pagiging writer/journalist/editor, pero hindi naman perfect ang mundong ‘to kahit pa “glamorous” sya sa paningin ng madla.

Blind Item # 1

Kaka-graduate ko pa lang sa college, at ang una kong in-apply-ang trabaho ay sa isang malaking TV network. Researcher ang posisyon sa isang sikat na music channel. Umabot na ‘ko sa interview and all, offer na lang. Sinabi sa akin ang basic pay. Muntik na ‘kong mahulog sa silya nang sabihing P8,000 ang magiging sweldo ko, anim na araw ang pasok, at laging on-call. Anong music channel kaya ito?

Clue: May tatlo syang letters sa pangalan.

Blind Item # 2

Pumasok ako sa print at natanggap. Ang kaso lang, hindi nagtagal ang aking pagtatrabaho roon dahil sa aking “medical condition.” Sa halip na probationary status ay ginawa akong contractual. At matapos ang ilang araw ng pagtatrabaho, pinatawag ako ng HR Head at pinapili kung tatapusin ko raw ba ang kontrata o aalis na agad. Anong print media kaya ito na may medical discrimination?

Clue: May ‘Philippine’ sa pangalan nya.

Blind Item # 3

Sinubukan ko naman ang swerte ko sa TV. Natanggap akong researcher sa programa ng isang sikat na anchor na kapangalan nya mismo ang show. Ang kinikita ko ay mataas lang nang kaunti sa minimum wage. Walang benefits, may pasok kahit holiday, hindi hinuhulugan ang SSS, PhilHealth, Pag-Ibig, etc., at walang health card. Bukod pa rito, hindi sila nagre-regular kahit pa 10 taon ka nang nagtatrabaho sa kanila. May na-regular naman, pero not until idemanda nila ang TV network.

Clue: May letter A sa pangalan ng TV network at may tag silang Ka-(insert root word).

Blind Item # 4

Napasok ulit ako sa print, pero this time, glossy na. Ayos na sana kasi nakakapag-travel ako minsan. Ang problema, puro pera ang nasa isip ng boss at walang pakialam sa Journalist’s Code of Ethics. Sinabi na rin niyang mas mahalaga ang Sales kaysa Editorial, at PR lang talaga kami ng aming mga kliyente. Bukod pa rito, sinusuportahan din ng publication ang mga kaibigang pulitiko ng may-ari. Anong glossy media ito?

Clue: Tagalog word ang pangalan nya.

Blind Item # 5

February pa lang ay nasulat ko na ang mga articles ko para sa isang print media. Noong Marso lumabas ang lahat ng sinulat ko. Never akong na-delay o umabot man lang sa deadline dahil maaga ako laging magpasa ng sinusulat. Pagdating ng Mayo, wala pa rin ang aking sweldo. Bukod sa kakarampot na binabayad sa akin na below minimum wage, binabawasan pa dahil sa tax. Sagot ko rin ang bayad sa pamasahe at iba pang gastusin kapag nagko-cover. Anong print media kaya ito?

Clue: Kulay blue sya.

May abutan pa kaya akong trabaho sa isang linggo? Abangan ang susunod na kabanata.

Advertisements