Baka Ikaw ang Maputukan

by Sankage Steno

Tadtad na naman ang social media accounts ko ng balita tungkol sa recent activity ng pinakasikat at pinakapasikat na bulkan sa bansa, ang Mt. Mayon (Sorry, Mt. Pinatubo, you’re out of the game na. Sa history book ka na lang muna.).

May tatlong foreigners at isang Pinoy daw ang namatay dahil sa pagbuga ng abo ng nasabing bulkan, at mayroong apat pang iba na nasugatan o nasaktan. For sure marami pang detalye ang madadagdag mamaya. Para sa ilang balita, puntahan nyo lang ang mga ito: link at isa pang link.

Hindi lang Mayon ang nagpapasiklab ngayon. Ayaw magpatalo ng Taal Volcano sa Batangas. Sabi nya, “Not again, Mayon. Not again. I won’t let you outshine me this time.” Hintayin na lang natin kung sinong bulkan ang talagang aangat at maghahasik ng lagim sa mga taong naninirahan sa paligid nito.

Sana ay wala nang maputukan pang ibang tao, so ingat-ingat din.

At ingat-ingat din sa ibang klaseng putok na maaaring makaapekto sa ating mga vulnerable, puny human beings. Well, there’s one putok that originates from the armpits or any part of the body that sweats a lot. Mapanganib din ‘yan lalo na kung nasa loob ka ng classroom o sa opisina.

Pero there’s another putok that is equally disastrous sa putok ng bulkan and equally irritating sa putok sa you-know-where. I’m talking about the kind of putok that you get when you defend your principles, when you go against the corrupt system o yung tipong kapag kinalaban mo ang  mga nakapangyayari ay siguradong babalikan ka.

Before you know it, naputukan ka na.

Hindi na ‘ko magpapaliguy-ligoy pa, at hindi ko na rin hahabaan dahil delikado. Alam ko pwede ka ring maputukan ngayong panahon ng halalan, pero ang putok na tinutukoy ko ay more localized. It’s part of the job.

May mga nakakatrabaho ka talagang makitid ang utak. Kung hindi man makitid ang utak, maraming alam, kaya marami ring kayang gawing masama. May mga taong iaangat ang sarili, magpapaganda ng imahe sa mga nasa tuktok ng tatsulok, sa pamamagitan ng pag-apak o pagyurak sa ibang tao.

At kapag kinalaban mo sila, ikaw ang tiyak na mapuputukan.

Hindi sa ‘yo mapupunta ang simpatiya ng mga nakapangyayari. Sipsip ang nagwawagi. Pera ang nakalalamang. Kung sa’n sila mas giginhawa, dun sila.

Ikaw na sumusunod lamang sa konsensya mo, sa tamang patakaran at kalakaran, at sa mas nakapangingibabaw na dignidad ng iyong pagkataon ay walang ibang pupuntahan kundi sa pusod ng lupa. Dun ka kasama ng abo, putik at lahar. 

Pero hindi rin naman masamang masadlak sa ganung lugar. Kapag napuno na ang salop, kapag kumulo na ang loob, kapag tuluyan nang sumabog ang bulkan, ang una kahihinatnan ay ang langit, kasama ang araw at mga ulap, o ang buwan at mga bituin. May sakit kapag naputukan ka, pero may kasama ring paglaya.

 

P.S.

Forgive my ambiguities. This is not about me. I’ll be more detailed next time.